Entertainment Pageantry

Beauty Pageant sa Misamis, literal na lumiyab!

Beautiful ending na sana ang coronation night ng Miss Kuyamis 2022 sa Misamis Oriental nang biglang sumiklab ang apoy sa gilid ng entablado.

Nasaksihan mismo iyan ng actor na si Marco Gumabao na siyang nag-host sa nasabing patimpalak.

Kwento ni Gumabao sa isang online entertainment site: “Nasa stage pa ako nun and still facing the crowd, biglang pag tingin ko sa kaliwa, nasunog na yung confetti dahil sa electric fireworks.”

Malaki aniya ang sunog kaya agad siyang bumaba sa stage.

“Mabilis naman nila na-control ‘yung sunog so nothing to worry about. Ganon talaga kainit sa stage dahil kahat deserving manalo,” sabi pa niya.

Sa video na lumabas, makikitang nanatili pa rin sa stage ang ibang kandidata sa kabila ng pangyayari.

Ang nag-uwi naman ng korona ng Miss Kuyamis 2022 ay si Annabelle Mae McDonell. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

%d bloggers like this: