Community News ESPESYAL PROVINCIAL Sid Samaniego

PADYAK GINAMIT NA BRIDAL TRIKE NG BAGONG KASAL

[Ni Sid Samaniego]

ROSARIO, CAVITE — Hindi kailangan ng puting kotse na punung-puno ng pustura o mamahaling bulaklak. Maging ng karwaheng hila-hila ng puting kabayo na madalas makita sa mga engrandeng kasalan.

Para sa bagong kasal na sina Jenny Rose Opimo, 26, tubong Novalichez Quezon City at Jurie Mateo, 28, tubong Valenzuela City, isang Babybus-Driver, na kasalukuyang naninirahan ngayon sa Brgy. Muzon 1, Rosario, Cavite ay sapat na ang kanilang sariling sasakyang de-padyak para gamiting bridal trike.

Ang tatay ng groom ang mismong nagpadyak papunta sa Isla Bonita kung saan ginanap ang kasal. Nasa layong humigit-kumulang isang kilometro (vice-versa) din ang layo ng itinakbo ng natural bridal trike.

Kulang siyam na taon ng nagsasama ang bagong kasal at kasalukuyang nangungupahan ngayon sa Brgy. Muzon 1 subalit bigo silang magkaroon ng supling.

Sa paniniwala nina Jenny Rose at Jurie, maaaring ang sagradong kasal ang kailangan nilang gawin sa buhay upang mahandugan sila ng supling.

Ang bagong kasal ay pormal na ikinasal ni Mayor Jose Voltaire V. Ricafrente. ###

0 comments on “PADYAK GINAMIT NA BRIDAL TRIKE NG BAGONG KASAL

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: