Read Time:1 Minute, 0 Second

[Ni Rex Molines]

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Sumiklab ang sunog sa isang residential sa Barangay Paliparan 3, Dasmariñas City Cavite ngayong araw, Enero 22, 2022.

Sa nakalap na impormasyon mula kay Sir Arnel Alcorroque na taga Barangay Paliparan 3, bandang alas 9:50 ng umaga ng sumiklab ang sunog sa Block 172, Terter street Barangay Paliparan 3, Dasmariñas City Cavite.

Aniya, isang bahay ang nasunog na may tatlo hanggang limang pamilya ang naninirahan.

Pinagmulan ng sunog ay ang kandila na napaglaruan daw ng isang bata at hindi ito agad napansin ng magulang. Dahil gawa sa light material ang naturang bahay ay agad na kumalat ang apoy at hindi rin humingi o sumigaw ng tulong ang magulang ng bata kung saan nagmula ang pagliyab ng apoy dahil na rin sa takot at pagkataranta nito.

Ayon pa kay Sir Alcorroque, may mga naiwang alagang manok at mga kalapati sa naturang bahay.

Tumulong din ang mga residente sa naturang eskinita para apulahin ang nanggagalit na apoy.

Agad namang naapula ang sunog na tumagal lamang ng halos kalahating oras ngunit patuloy pa rin ang pag-usok nito at binabantayan pa rin ng mga otoridad at rescuer mula sa City of Dasmariñas. ###

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post BAGONG MANILA ZOO MALA-LUXURY ANG DATING
Next post SEC STOPS GOODPOCKET, EASYMONEY ONLINE LENDING

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: