NATIONAL NEWS PULITIKA

Sen. Pangilinan, pinasalamatan ang YouTube sa pag-take down nito sa 2 Fake News YouTube Channels

[RBM]

TULUYAN nang tinake-down ng pamunuan ng YouTube ang dalawang channels na kinasuhan ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ng cyber libel kaugnay sa pagpapalaganap ng fake news tungkol sa kanyang pamilya.

Pinasalamatan ni vice presidential candidate Sen. Pangilinan ang YouTube at ang pamunuan nito, at ang Google, na kumilos para sugpuin ang dalawang mapanirang channel na diumano’y sinasaktan ni Pangilinan ang kanyang misis na si megastar Sharon Cuneta, at ang pinaratangan din nila ng pangangalunya o adultery.

Doon sa mga YouTube channel na naglalabas ng kasinungalingan ay sa awa naman ng Diyos ay tinake down na ng YouTube at ng Google,” saad ni Sen. Pangilinan sa isang panayam sa TeleRadyo.

Sana hindi na kinakailangang umabot sa sampahan ng kaso para i-take down dahil sila na mismo may community standards. Nakita natin na ‘pag ‘di tayo kumilos, ‘di rin sila kikilos,” ani Pangilinan.

Nanawagan din si Sen. Pangilinan sa pamahalaan at YouTube na kinakailangang magkaroon ng agarang pagresolba sa mga naka-pending na mga kaso tungkol sa pagpapalaganap ng “fake news” na patuloy pa ring laganap sa online.

Sana ganun din sa iba na walang pangalan, na hindi senador, dahil nga marami ang nabibiktima nitong ‘fake news’,” dagdag pa ng Senador. ###

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Sen. Pangilinan, pinasalamatan ang YouTube sa pag-take down nito sa 2 Fake News YouTube Channels

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: