Community News ESPESYAL PROVINCIAL Sid Samaniego

KASAL-INAS, UMARANGKADA NA

[Ni Sid Samaniego]

ROSARIO, CAVITE — Unang araw ng buwan ng Pebrero ngayon. Ito rin ang unang hudyat ng kasalang-bayan sa dalampasigan sa Salinas na taunang isinasagawa ng lokal na pamahalaan ng Rosario.

Kasal-inas ang tema ng kasalang bayan ngayon na hango sa dalawang salita na “Kasal” at “Salinas.”

Ang “Kasal” ay isang matrimonyo na kasunduan ng dalawang pusong nagmamahalan ng paghahayag ng pag-iisang dibdib. Habang ang “Salinas” ay lumang katawagan ng bayan ng Rosario na ang ibig sabihin ay saltbed o asinan.

Inaasahang aabot ng 100 pares ang ikakasal mula unang araw ng Pebrero hanggang katapusan nito.Libreng “cake” upang patamisin ang pagmamahalan at isang boteng “red wine” bilang simbolo ng pagkakaisa ng habang-buhay na pagsasama, ang handog ng lokal na pamahalaan.

Ang “KASAL-INAS” ay pangungunahan ni Mayor Jose Voltaire V. Ricafrente at ng Kaparian ng Pang-Diyosesis na Dambana at Parokya ng Mahal na Birhen ng Santisimo Rosario – Reina de Caracol. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

%d bloggers like this: