Photo News PROVINCIAL

Mga biktima ng pananalasa ng buhawi sa probinsya ng Maguindanao, nakatanggap ng tulong mula sa LGU–Sultan Kudarat

[by Ramil bajo]

BARMM (February 4, 2022) –– Abot–langit ang tuwa ng mga biktima ng pag–atake ng buhawi sa bayan ng Sultan Kudarat sa probinsya ng Maguindanao dahil sa agarang tulong–pinansyal na ibinigay ng lokal na pamahalaan doon kahapon.

Ayon sa report na nakaposte sa Mindanao Voices news blog, kaagad nagpaabot ng tulong si LGU–Sultan Kudarat Mayor Datu Shameem Mastura ng malaman nito ang nangyaring pananalasa ng buhawi sa tatlo nitong barangay (Kampilan, Nalinan at Maidapa), kung saan marami ang pamilyang–apektado at nasirang mga bahay.

Sa ulat ng community journalist na si Ms. Ella Dayawan, iniulat nito na sa Barangay Kampilan, umabot sa 25 na mga pamilya ang naabotan ng tulong, 8 na mga pamilya naman sa Barangay Nalinan at 18 na mga pamilya sa Barangay Maidapa.

Ang nasabing mga lugar na inatake ng buhawi ay malapit sa isang ilog sa nasabing bayan.

Ayon sa report ng Mindanao Voices, maliban sa tulong–pinansyal, namahagi din ng mga bigas ang LGU–Sultan Kudarat sa mga pamilyang apektado.

Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Mastura dahil walang nasaktan sa nasabing pag–atake ng buhawi.

Iginiit ni Mayor Mastura na sa panahon ng ganong pagsubok, mahalaga ang “pagtutulungan sa panahon ng pangangailangan.” (Ramil Bajo)

(ANG LARAWAN AY MULA FB PAGE NG MINDANAO VOICES NEWS BLOG)

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

1 comment on “Mga biktima ng pananalasa ng buhawi sa probinsya ng Maguindanao, nakatanggap ng tulong mula sa LGU–Sultan Kudarat

  1. Pingback: Mga biktima ng pananalasa ng buhawi sa probinsya ng Maguindanao, nakatanggap ng tulong mula sa LGU–Sultan Kudarat – SHOPPEX NIGERIA

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: