OPINION TINIG Ni: Rex Molines

SA GITNA NG PANDEMIYA AT POLITIKA: “MARITES, BIAS, NEUTRAL” MGA SALITANG HINDI MO DAPAT MAKASANAYAN

Tila karamihan sa atin ay hilong-hilo na at litong-lito pa kung sino o ano nga ba ang dapat nating paniwalaan at pagkatiwalaan?

Sinusubok tayo ng pagkakataon na masukat kung ano nga ba ang dapat nating mabatid, makilatis at kung ano nga ba ang mas matimbang, mas nagsasabi ng katotohanan at mas nakakaramdam ng tunay nating pinagdadaanan at kung sino ang dapat nating panigan? May dapat nga ba tayong panigan bilang ordinaryong Pilipino?

Isang tunay at buhay na halimbawa rito ay ang kasalukuyang kaganapan sa Comelec kung saan ang dalawang Commissioner ay nagbabanggaan ng mga maaanghang na salita’t patutsadahan dahil sa kani-kanilang mga pinaglalaban, pinaniniwalaan at pinoprotektahan. Dala na rin ng kanilang mga sinumpaang maging tapat at totoo sa bayan na ngayon ay nasusukat ang kanilang kredibilidad na tila nababawasan ang tiwala sa kanila ng taumbayan na ipaglaban at protektahan ang katotohanan at ang mga usaping hindi talos ng maliliit nating mga kababayan na ngayon ay nakikisawsaw na rin sa sigalot na ito. Mga Marites sa paligid ko dumarami silo, ito rin ang kanilang pinag-uusapan. Ano na Comelec?!

May tila nalabag umano na pamantayan ukol sa kanilang pagboto laban sa diskwalipikasyong(disqualification case) isinampa kay presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dahil sa pag-aantala ng kani-kanilang mga boto.

Sinabi ni Commissioner Rowena Guanzon na hindi raw siya magdadalawang-isip na sampahan ng kaso ang kaniyang nakaalitang kapwa Commissioner na si Aimee Ferolino dahil sa paglabag nito sa Anti-Graft and Corruption Practices Act sa pag-aantala ng resolution laban sa disqualification case kay Bongbong Marcos Jr.

Bumanat pa si Guanzon na dapat lamang matakot si Ferolino sa kaniya dahil kaya nitong magsampa ng impeachment complaint laban kay Ferolino. Hindi rin daw siya natatakot na sampahan ng kasong libel dahil titindig si Guanzon sa tama at naaayon sa batas. Aniya, ikakampanya niya ang “Labanan ang Mali, Labanan ang Masasama” dahil sa ginalit na raw nila si Guanzon.

Sa totoo lang, walang Pilipino ang hindi “BIAS,” lahat tayo ay mayroong bias” ito ay kung sino at ano ang ating pinaniniwalaan at pinagkakatiwalaan. Walang hindi bias sa ating lahat, sapagkat mayroon tayong pinapanigan at pinaniniwalaan. Magkakatalo lang talaga sa ating mga relihiyon, kultura at mga kasanayan kung paano tayo hinubog ng makabagong mundong ito dulot na rin ng makabagong teknolohiya sa makabagong kaparaanan at kakayahan ng bawat indibidwal dahil tila lahat ay mayroong nais iwaksi sa pamamagitan ng paggamit ng social media at iba’t ibang digital platforms na makapanira ng ibang tao lalo na sa mga politikong tumatakbo.Ganun ka-hi-tech ang mga Marites ngayon!

Bukang-bibig na natin ang salitang Marites” at Bias” na animo’y dinaig pa ng trending at famous controversies sa bansa. Sa totoo lang, hindi ito kaaya-aya na marinig at makasanayan nating mga Pilipino at ng mga kabataan ngayon. Dinudungisan nito ang ating pagkatao, wika at ang ating bansa. Nag-iiwan ito ng matinding mantsa sa ating pagkatao. Mahirap pumanig sa kung sino ang nagsasabi ng totoo, kung sino ang nagsisinungaling at kung sino ang umiiwas sa mga samu’t saring kontrobersiya.

Sa panahon na magulo ang mundo ng politika tuwing nalalapit ang Halalan sa bansa, mas tumitindi ang patutsadahan ng mga kumakandidato sa iba’t ibang posisyon na kanilang pinag-aagawang upuan.

Hindi ka maaaring maging “NEUTRAL” lang sa mga usaping ito. Hindi ka pwedeng magingneutral dahil kung magkaganon, pinatunayan mo lamang na ikaw ay pumapanig sa sinungaling, magnanakaw, nagmamalinis at nagmamalabis.Hindi ka nagiging tapat sa sarili mo, sa bayan at sa Diyos. Dapat marunong kang manimbang at magbalanse ng sitwasyon at ng pamantayan ng isang lider at ang pamantayan mo sa isang lider na hinahangad mong mailuklok sa bansa.

Tandaan mo, sa pagpili ng iyong ikakandidato, ito’y magre-reflect ng iyong pagkatao, ng future mo at ng ating bayan. Dapat future mo at ng ating bayan ang masilip mo sa kanilang mga sinasabi at hindi kung ano ang magiging future nila sa gobyerno at panunungkulan dahil lamang sa naging MARITES ka ng minsan at sila ang pinakinggan mo, naging BIAS ka at sila ang pinili mo at naging NEUTRAL ka dahil hindi pala sila ang tunay mong hinahangad para sa ikabubuti ng lahat at ng ating bayan. ###

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “SA GITNA NG PANDEMIYA AT POLITIKA: “MARITES, BIAS, NEUTRAL” MGA SALITANG HINDI MO DAPAT MAKASANAYAN

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: