Janella Salvador mas nadagdagan ang pagkatao kay baby Jude
[by Athena Yap]
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!May buwelta ang aktres na si Janella Salvador tungkol sa mga Marites na nagsasabing “Sayang” daw siya simula na’ng mabuntis.
“Hindi naman ako sayang, eh. I’m still me. I’m still who I am. I’m still Janella Salvador. I can still sing. I can still act. I can still work. Bakit sayang, ‘di ba? ‘Pag naging nanay ka na, hindi ka sayang.” pahayag ni Salvador sa panayam ni Ogie Diaz.
Nati-trigger daw ang aktres sa tuwing makakarinig siya ng mga ganoong komento tungkol sa mga basher kaya naman once and for all ay tahasan na niyang sinagot ang mga sey sa kanya ng mga netizen.
Naiinis din siya sa tuwing may babatikos sa kaniyang anak na si Jude at talagang handa siyang makipag giyerahan lalo na ang boyfriend na si Markus kapag may kumanti sa kanilang anak.
Anyway, dahil sa pahayag ni Janella na ‘yan ay maraming kagaya niyang young moms ang sumaludo at sumaya dahil may nagsalita in behalf of them. #DM