ESPESYAL PROVINCIAL

Kasal-inas, ikalawang yugto

[Ni Sid Samaniego]

Damang-dama ang pagmamahalan ng siyam na pares na ikinasal sa Parokya ng Mahal na Birhen ng Santisimo Rosario – Reina de Caracol sa Rosario, Cavite kaninang umaga.

Bilang katuwang ng ating lokal na pamahalaan, sina Rev. Father Leoben Peregrino at Rev. Fr. Ned Nazareno ang siya namang nanguna sa pag-iisang dibdib ng ating dalawang pusong nagmamahalan.

Sa mata ng tao at sa mata ng Diyos ay tuluyan ng ikinasal ang mga ito na punong-puno ang ligaya at pagmamahal. Habang naging ninong ng bayan sina Vice-Gov. Jolo Revilla [na dinaluhan ng kanyang may bahay], Bokal Davey Chua, at ninang ng bayan na si Konsehal Bamm Gonzales.

Ang Pre-Marriage Counselling ay pinangunahan naman ni Bishop Felipe Lazada ng Salinas Ministerial Fellowship (Organisasyon ng mga Pastors at Churches sa Rosario). ###

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

%d bloggers like this: