Community News ESPESYAL Sid Samaniego

HALO-HALO SA ROSARIO, LIMANG-PISO LANG PER BASO

[Ni Sid Samaniego]

ROSARIO, CAVITE — Unti-unti nang nararamdaman ang init ng panahon ngayon. Kaya naman, unti-unti na ring nagsusulputan ang iba’t ibang panindang palamig sa bawat kanto.

Tulad ng mais con yelo, sago at gulaman, buko juice, halu-halo at kung anu-ano pa.

Dito sa bayan ng Rosario, may isang tindahan ng halo-halo ang dinarayo lalo na ng mga bata. Dahil bukod sa masarap at malinamnam niyang halo-halo ay napaka-mura pa.

Sa halagang limang-piso lamang ay makaka-kain ka na ng delisyosong halo-halo. Ang nasa likod ng panindang ito ay si Remie Pancito, 31 gulang, may asawa, may 3 anak, at tubong Lacarlota, Negros Occidental.

Labing-dalawang taon na siyang naninirahan ngayon sa Isla Bonita, Brgy. Silangan. At dito niya ginugol ang pagtimpla at paggawa ng masarap na sangkap sa halo-halo. Tulad ng nilagang saging, sago’t gulaman, munggo, ube, leche-flan, pinipig, melon, nata de coco, at pinaghalong gatas na malapot at malabnaw.

Mabilis na nauubos ang kanyang halo-halo. Dahil abot-kaya naman talaga ang presyo nito. Kumikita siya ng halagang 900 piso bawat araw.

Dahil nauso ang delivery food, may free delivery din siya basta hanggang Rosario lang at may minimum order na 100 piso. Gamit ang pedicab ng kanyang ate ay idedeliver na ito sa bawat bahay ng mga customer.

Sa panahon ngayon, may halaga pa talaga ang limang-piso. Dahil sa limang-piso makaka-kain ka pa ng hinahanap-hanap mong masarap na halo-halo. ###

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

%d bloggers like this: