Entertainment PROVINCIAL Showbiz

Toni G inulan ng batikos sa pag endorso sa UniTeam

[By Athena Yap]

Tumayo sa entablado ng Philippine Arena ang batikang aktres na si Toni Gonzaga bilang host na magi-endorso ng bawat miyembro ng UniTeam na pinangungunahan nina Senator Bong Bong Marcos at Mayor Inday Sara Duterte.

Hati ang reaksyon ng sambayanang Pilipino. Marami ang bumilib sa tapang at paninindigan ng aktres ngunit marami din ang nadismaya sa kanya.

Matatandaang noong May 2020 ay hindi na ipinagpatuloy ng gobyerno ang prangkisa ng ABS-CBN kung saan nagta-trabaho si Toni at karamihan sa miyembro ng UniTeam ay kabilang sa mga kumontra para ma-renew ang prangkisa ng nasabing kompanya.

Marahil ito ang dahilan kung bakit karamihan sa mga netizen ay gustong i-cancel si Toni sa lipunan.

Samantala, nag bitiw na rin si Toni ng pwesto bilang main host ng Pinoy Big Brother at ipinasa na ang trono sa matalik na kaibigang si Bianca Gonzales-Intal.

Ibinahagi ni Toni sa kanyang social media accounts ang pasasalamat kasabay ng pagbitaw sa role as host ng PBB.

“ From witnessing all my co-hosts transition from housemates to PBB hosts are just some of the best moments in my life sa bahay ni Kuya! Today, I’m stepping down as your main host. I know Bianca and the rest of the hosts will continue the PBB legacy. It has been my privilege to greet you all with “Hello Philippines” and “Hello World” for the last 16 years. I will forever cherish the memories, big nights and moments in my heart. Thank you Kuya for everything. This is your angel, now signing off..” ang pagbibitaw ni Toni sa kaniyang IG.

Gayunpaman, patuloy ang suporta sa kanya ng mga PBB sisters niya na sina Mariel Padilla at Bianca Gonzales.

“friendship goes beyond work, beyond religion, beyond politics.. beyond it all. God make us proud B! You got this! we believe in you!” Mensahe pa ni Mariel kay Toni. ###

[Photo credit: newspapers.ph]

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Toni G inulan ng batikos sa pag endorso sa UniTeam

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: