Editoryal NEWS AND TRENDS

CHEERS TO 2 YEARS: 2 Taon na Tayo, KaMilenyo!

Sa loob nang dalawang taon na ating pinagsamahan ay marami na tayong napatunayan. Halos dalawang taon na buhat nang tumama ang pandemya sa bansa, doon nagsimula ang ating pagsibol sa paghahatid ng mga magaganda at piling-pili na mga balita na kapupulutan ng inspirasyon, aral at impormasyon na mapapakinabangan ng lahat.

Sa loob ng dalawang taon, marami tayong nakilala at naging bahagi tayo ng iba’t ibang events bilang isa sa mga online media partners mula sa iba’t ibang Unibersidad sa bansa na atin namang pinauunlakan. Nakakataba ng puso na kilalanin ang Diyaryo Milenyo ng UP Manila, UP Los Baños, DLSU Manila, DLSU Cavite, Ang Pahayagang Plaridel, University of Northern Philippines, at PUP Manila. Maging ang Komisyon sa Wikang Filipino, ang Heavenly Culture, World Peace, Restoration of Light (HWPL) na kinikilala ang DMDN bilang isa sa mga Publicity Ambassador. Kasama rin ang iba’t ibang organisasyon gaya ng OXFAM organization, British Council (for prestigious international online conference), at maging ang bansang Singapore na kinikilala rin ang ating pahayagan para ibahagi ang kanilang Press Releases na may kaugnayan sa kalusugan, ekonomiya, at teknolohiya tulad ng SQREEM Technologies, Women of the Future Awards Southeast Asia in association with NTT, Milieu Insight, at RIMM sustainability platforms for SMEs.

Malaking bahagi rin ng ating tagumpay ang mga manunulat sa iba’t ibang panig ng bansa na handang magbahagi ng kanilang mga kontribusyon sa pagbabalita, ang paglalahad ng tapat, totoo at balanseng pagsusulat at pag-uulat sa pahayang onlayn ng Diyaryo Milenyo. At ito ay lubos na ating kinikilala; ang kahusayan, talento, pakikiisa at tapat na paglilingkod na walang hinihinging kapalit o anuman. Kahit mahirap ay pinagsusumikapan nating makakuha ng sapat, totoo at matibay na mga impormasyon bago ito ilathala sa social media at iba pang platforms ng Diyaryo Milenyo Digital News.

Ako, bilang tagapangasiwa at patnugot ng onlayn na pahayagang Diyaryo Milenyo, mahirap sa kagaya ko na isang baguhan na mas palawakin pa ang ating pagbabalita dahil na rin sa kakulangang pinansyal.

Kaya naman, lubos akong umaasa at aking pagsusumikapan na makagawa ng mga kaparaanan na ang DM ay makapagbukas pa ng mga oportunidad para sa lahat. Sa darating pa na mga taon, kami ay patuloy na maghahatid ng mga balitang may katuturan, makabuluhan at napapanahong pagbabalita gamit ang social media and digital platforms at ang pinakahihintay ng aming mga mambabasa, ang makapaglabas kami ng print copy ng ating pahayagan sa hinaharap. Kapit lang!

Muli, Maligayang ika-2 Taong Anibersaryo sa ating lahat, KaMilenyo!

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

%d bloggers like this: