ENTREPRENEUR ESPESYAL Food

PAMANANG LUTUIN: PANCIT HALAL NG YUMAONG ASAWA, BINABALIKAN

[Ni Rex Molines]

Sa bawat okasyon na ating pinagsasaluhan ay hindi maaaring mawala sa ating mga mesa ang iba’t ibang lutong pansit para raw sa mas mahabang pagsasama ng pamilya at pampahaba ng buhay. Tila hindi sang-ayon dito ang nakilala ko na isang panciteria mula sa Maynila.

Nakilala ko si Aling Vencie Escalante, 68 gulang, biyuda at may anim na anak at kasalukuyang naninirahan sa Dapitan Street sa Maynila. Takaw-pansin kasi sa aking paningin ang kanilang paninda na pancit bihon. Kakaiba ang kanilang estilo ng pagluluto nito dahil wala kang makikita o malalasap na halong karne ng baboy kundi ginayat na gulay, hipon, seasoning at walang halong chicharon. Bukod dito nagbebenta rin sila ng lumpiang toge na hindi tinipid sa lasa, purong gulay, kamote at toge, mga kakanin at lutong-ulam na hindi sinangkapan ng karne ng baboy. Wala ka ring makikita na mga panindang delata na gawa sa karneng baboy, maging yosi at iba pang hindi angkop o pasok sa HALAL food. Respeto raw kasi nila iyon sa yumaong asawa ni Aling Vencie, higit dalawang taon na ang nakalilipas buhat ng tumama ang pandemya sa bansa.

Katunayan, ang mister ni Aling Vencie ay isang Islam at siya naman ay isang Katoliko. Ikinasal sila sa Simbahan ng Katoliko noong panahong hindi pa nabibinyagan sa pagka-islam ang kaniyang mister. Taong 2000 nang maging ganap ang pagiging muslim ng kaniyang mister. Aniya, mahigit 20 taong nagtrabaho ang kaniyang mister sa Kingdom of Saudi Arabia bilang Supervisor sa isang pagawaan ng bakal at doon ipinagpatuloy nito ang pagiging islam at nakasanayan nitong kumain ng mga lutong halal.

Image: Aling Vencie Escalante’s Panciteria

Naging hanapbuhay na nila ang pagluluto ng mga certified halal food buhat ng bumalik ang kaniyang mister sa ‘Pinas taong 2008. Aniya, sa Bicol nila binuo ang kanilang pamilya. Nitong 2014, napagdesisyunan nilang mag-asawa na manirahan sa Maynila dahil na rin sa madalas nilang pabalik-balik sa ospital buhat nang magkasakit si Aling Vencie sa kaniyang obaryo at kailangang maoperahan. Sa Maynila na rin naninirahan ang ilan nilang mga anak at dito na rin nila sinimulan ang pagbubukas ng tindahan. Ang kanilang main dish ay ang pansit bihon, puto, biko, lumpiang gulay at buchi-buchi, meron din silang chicken sisig, adobo sa gatang manok, turon with langka, at maruya na talaga namang mabenta sa kanilang mga suki at madalas ay kinokontrata rin sila para sa made-to-order.

Mula nang mamatay ang kaniyang mister noong Hulyo 2020, tatlong araw matapos ang kaniyang kaarawan sa sakit na acute pneumonia (hindi naman nagpositibo sa COVID-19) ay tila suntok sa buwan ang kanilang pinagdaanan. Hindi rin nila batid kung paano nila makukuha ang estilo sa pagtitimpla at pagluluto ng pancit halal na tanging ang kaniyang mister lamang ang nakakaalam. Hindi raw kasi naituro ng kaniyang mister ang recipe o ang tamang-timpla nito. Ultimong sawsawan ng lumpiang toge ay hindi rin naituro sa mga anak nila dahil sa biglaang pagpanaw ng kaniyang mister.

Aniya, tila tinik sa lalamunan ni Aling Vencie buhat ng masawi ang kaniyang asawa. Nihindi rin nasilip nang iba pa nilang mga anak na nasa malayong probinsya ang katawan ng kanilang ama dahil sa kawalan ng transportasyon bunsod na laganap ang virus sa paligid at ang paghihigpit ng IATF noong 2020.

Mahirap kung sa mahirap pero dahil sa mga anak ko nakaka-survive kami. Ibinalik namin ang sinimulan ng asawa ko mula sa simula bagong recipe bago lahat. Ang daming trial and error hanggang sa makuha namin ang timpla at lasa at mga suki namin ay nagbabalikan na, bila-bilao kung mag-order ng pansit,” masiglang paglalahad ni Aling Vencie.

Dahil sa islam ang kaniyang asawa, sinagawa lamang ng buong maghapon ang paghatid sa huling hantungan ng kanilang padre de pamilya sa libingan ng mga muslim. Ito na raw ang pinakamasakit sa lahat na pwedeng maranasan ninuman, ang mawalan ng minamahal sa buhay sa kasagagan ng pandemya.

Yung dating mabigat sa aming loob buhat ng mawala ang mister ko. Ngayon unti-unti na itong napapalitan ng kaligayahan dahil alam ko andito lang siya sa tabi ko. Siya yung nagturo para makuha ko yung timpla niya at ang paggabay sa amin ng Diyos,” dagdag pa ni Aling Vencie.

Sa lahat ng mga pinagdadaanan natin sa buhay gaya ni Aling Vencie na nawalan din ng minamahal sa buhay dulot ng pandemya. Hindi natin maaaring isuko ang ating buhay na wala tayong ginagawa upang muling bumangon para sa ating pamilya na handa tayong tulungan at damayan.

Aniya, “kahit ano’ng mangyari, sa huli, natututo ka kung paano mabuhay sa sarili mong paa, anumang oras mawala ka man sa mundo, may pabaon kang lutuin na kanilang mabibitbit.” Pagtatapos ni Aling Venice. #RBM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “PAMANANG LUTUIN: PANCIT HALAL NG YUMAONG ASAWA, BINABALIKAN

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: