BALITA NATIONAL TRANSPORTATION

Balik-Opisina sa mga kawani ng Gobyerno at Pribadong Kumpanya, Pwede Na

Sakabila nang pagbaba ng Alert Level status sa NCR at karatig probinsya, nagpaalala naman ang opisina ng Civil Service Commission kaugnay sa physical na pagbabalik-opisina ng mga kawani ng gobyerno.

Sinabi ni CSC Commissioner Atty. Aileen Lizada sa panayam nito TeleRadyo sa programang SRO kagabi (Marso 1, 2022), umiiral pa rin ang memorandum circular no. 18 o ang Alternative Work Arrangement.

Aniya, pinag-aaralan na ng CSC na ma-institutionalize ang pagkakaroon ng flexible workplace sa mga pribadong kumpanya.

Sinabi naman ni Labor Assistant Secretary Ma. Teresita S. Cucueco na pinapayagan na sa 100% na pagbalik on-site sa mga emplayado. Ibigsabihin, pwede nang obligahin ng management ang mga manggagawa na bumalik na sa mga trabaho pero dapat fully vaccinated at sinusunod pa rin ang public health standard.

Dagdag pa ni Cucueco, pwede pa rin humingi ng flexible work arrangement ang empleyado gaya ng work from home alinsunod sa umiiral na telecommunity act. ###

[Photo credit: Balita.ph]

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

%d bloggers like this: