BALITA Photo News PROVINCIAL

Dapat mas paigtingin pa ang pagsusulong sa kapakanan at kaunlaran ng katutubong-tribo, ayon sa isang residente

[by Abdul Campua]

Senator Ninoy Aquino (SNA), Sultan Kudarat — Tulad niya, naniniwala rin si Ms. Joy Andres na dapat ipagpatuloy ang pagsulong sa kapakanan, kabutihan at kaunlaran ng Indigenous People (IP), ayon sa palagay ng isang residente.

Si Ms. Andres ay isa lamang sa 28 na mga kandidato na tumatakbo para konsehal ng SNA.

Naging media practitioner ng sandaling panahon si Ms. Andres matapos maka-graduate sa kursong Mass Communication (MassCom) sa isang kolehiyo sa Tacurong City. Ang kanyang mga magulang ay parehong kilala at nirerespetong mga guro sa bayan ng SNA.

Ayon sa residente, sa pakikinig nito sa mensahe ni Ms. Andres sa isang ginanap na seremonya sa kanilang munisipyo, naramdaman nito ang pagpapahalaga niya sa mga Indigenous People (IP) dahil lubos itong naniniwala na dapat mas paigtingin pa ang pagsusulong sa karapatan, kaunlaran, kabutihan ng mga kasapi ng katutubong-tribo.

Kinonsidera ng nasabing residente ang ganong paniniwala ni Ms. Andres na magandang-halimbawa ng isang mabuti na lingkod-bayan (or public servant) dahil nagparamdam ito ng pagpapahalaga at ipinaparating nito na may puso ito para sa katutubong-tribo, tulad ng Manobo-Dulangan.

Ang munisipyo ng SNA ay may 20 barangays at ang 17 ng nasabing mga barangay ay pinumumunuan at tinitirhan ng tribong Manobo Dulangan.

Umaapela naman ang nasabing residente na sana pahalagahan ng lahat ng mga katutubong-tribo ang ganong uri ng paniniwala, kung saan direktang naglalayon ng kabutihan para sa kanilang lahat.

Si Ms. Andres ay personal na inimbita ng IPEACE EPANAW partylist para dumalo sa grand launching ceremony nito sa SNA na dinalohan ng mga lider ng tribo, mga IPMR at ibat-ibang mga sektor doon noong February 26, 2022. ###

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

%d bloggers like this: