Community News PROVINCIAL Sid Samaniego

ANG KOLONG-KOLONG AT MGA GULAY NI PAPA DUDUT, BUY NOW PAY LATER

[Ni: Sid Samaniego]

ROSARIO, CAVITE — Walong beses nabigo sa pag-ibig si Wilfredo Perlas, alyas “Papa Dudut”, 54 taong gulang. May 5 anak at 17 ang apo.

Matapos ang pagkabigo sa pagibig, pinaling niya ang kanyang atensyon sa pagtitinda ng mga gulay gamit ang kanyang sariling kolong-kolong.

Sa awiting “Bahay Kubo”, lahat ng gulay na nabanggit ay mayroon siyang tinda nito.

“Sibuyas…kamatis. At saka meron pa, labanos, mustasa….” mga linyang tumatak sa kantang bahay-kubo.

Masayahing tao si Papa Dudut, kaya marami sa kanyang mga suki ang natutuwa at sa kanya ay bumibili.

Pwedeng umutang basta bayaran kaagad. Buy Now Pay Later ika nga.

“Hindi ako madamot sa aking mga suki. Kapag alam kong kapos sa pambayad, ibinibigay ko na rin agad ang gulay na nais nilang bilhin. Pakiusap ko lang sa kanila na maibalik kaagad ang bayad, dahil pinapaikot ko lamang ang puhunan dito sa aking panindang gulay”, nakangiting paglalahad ni Papa Dudut.

Kumikita siya ng halagang 600 piso bawat araw. Hindi na masama para sa isang ordinaryong mamamayang Pilipino, na masaya ng makakain ng tatlong beses sa isang araw.

Si Papa Dudut ay kilala ring isang magaling magluto ng iba’t ibang putaheng pang-pyesta at handaan.

Habang ang kanyang kolong-kolongg ay minahal siya ng lubusan. Ni hindi iniiwan at nasubukan na sa maraming pagkakataon. ###

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “ANG KOLONG-KOLONG AT MGA GULAY NI PAPA DUDUT, BUY NOW PAY LATER

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: