Community News ESPESYAL Sid Samaniego

PUSA, INILIGTAS NG ISANG PULIS SA PANGANIB

[Ni: Sid Samaniego]

CAVITE — Isang Puskal o Pusang-Kalye ang iniligtas ng isang pulis sa panganib kahapon sa kahabaan ng kalye Manila-Blvd sa lungsod na ito.

Papunta na sana si PSSG Edgie Portacio sa Camp BGen Pantaleon Garcia sa Imus City nang makita niya ang pusang kalye sa gitna ng kalsada habang nasa katirikan ng araw na dahan-dahang naglalakad at makailang beses nang iniwasan ng mga motorista.

Sa halip na lagpasan ng sasakyan at balewalain ang sitwasyon ng pusa ay hindi nagdalawang-isip si Portacio na tigilan at kuhanin ito at ilagay sa mas ligtas na lugar. Isa ang pusa sa paboritong alagaan ng tao.

Dahil nakakatulong ito sa bahay partikular sa paghuli ng mga daga.

Magugunita din napabalita noon ang isang pusa na nagligtas sa isang sanggol habang nasa duyan na tinangkang tuklawin ng isang ahas.

Si Portacio ay nakatalaga sa Cavite City Component Police Station, at 19 na sa serbisyo bilang isang pulis. ###

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

1 comment on “PUSA, INILIGTAS NG ISANG PULIS SA PANGANIB

  1. Glyndel Babael

    Thank u po Sir…napakabuti nyo..

    Like

Comments are closed.

%d bloggers like this: