ENTREPRENEUR ESPESYAL

USAPANG KABUHAYAN: Buhay na Salat Noon, Nalalasap na Ngayon

Pagtitinda ng asin ang ikinabubuhay ng mag-asawa na aking nakilala mula pa sa lalawigan ng Ilocos Norte kung saan matatagpuan din ang ilang mga tanyag na Simbahang Katoliko gaya ng Paoay Church o St. Augustine Church.

Nakilala ko si ate Joycel Licuan, 26, may isang anak at ang kanyang mister na si Jonathan Licuan, 30, isang magsasaka at nagluluto ng asin. Pangunahing binibenta ng mag-asawa ay ang asin, makikita rin sa kanilang tindahan ang iba’t ibang paninda gaya ng suka, bawang at sibuyas na kanilang binebenta ng bultuhan o per sako sa kanilang mga mamimili mula sa iba’t ibang mga lugar sa bansa.

Sinimulan ng mag-asawa ang pagnenegosyong ito matapos silang ikasal noong Disyembre 26, 2016. Aniya, pinagtiyagaan nila na makaipon at ito ay kanilang ginamit pang puhunan. Dahil parehas mulat sa hirap ang mag-asawa, batid nila kung gaano kahalaga ng pera sa gaya nilang salat sa pamumuhay noon.

Tindahan nila Ate Joycel at Kuya Jonathan Licuan

Aniya, pangarap at pananalig sa Diyos ang kanilang kinakapitan para magpatuloy sa buhay at mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang pamilyang binubuo. Nagbukas din ang pagkakataon sa kanila buhat nang sila’y payagang magtanim ng mga gulay sa kapirasong lupa na sa kanila’y pinagkatiwala. Dahil sa kanilang sipag, tiyaga at kaalaman sa pagtatanim ay unti-unti nila itong napalago at nakakapagbenta ng tuloy-tuloy. Ngunit, hindi sa lahat ng pagkakataon ay maganda ang anihan ng gulay lalo pa’t nang matengga ng ilang buwan ang kanilang mga panindang gulay dahil sa kawalan ng transportasyon noong unang quarter ng kasagsagan ng pandemya. Halos wala na silang kinikita dahil napupunta lamang ito sa mga bayarin nila.

“Yung halos wala na kaming benta, kasi napupunta lahat sa mga bayarin namin, but we are thankful to God kasi meron Siyang nilapit sa amin na mga good Samaritan na handang tumulong sa amin. God will make a way talaga, biglang may instant na blessings kaya laking pasasalamat ko sa ating Panginoon,” saad ni ate Joycel.

Naisip din nila na mag-iba na lang ng pagkakakitaan ngunit hindi ito ganon kadali. Aniya, ang sikreto raw para mapanatiling buhay ang iyong negosyo ay ang pagtutok dito. Ika nga ni ate Joycel, “Laban lang! ‘Wag susuko, nagsimula tayo sa wala hanggang sa tayo’y pagkatiwalaan ng mga taong nakapaligid sa atin at syempre mahalin natin ang ating mga customer at higit sa lahat magpasalamat tayo sa Panginoon dahil binigyan Niya tayo ng wisdom at strategy kung paano natin patakbuhin ang ating mga negosyo, maliit man o malaki,”

Dahil sa muling panunumbalik ng ating ekonomiya at ang pagbaba sa Alert Level 1 sa bansa, tila senyales daw ito para mas dumagsa pa ang mga mamimili nila. Aniya, swerte raw ‘pag may dumadaang mga turista sa kanilang tindahan dahil bultuhan kung mamili ang mga ito. Sina-sideline rin nila ito sa pamamagitan ng pag-post sa social media at kapag may nakuhang customer ay sila na rin mismo ang naghahatid ng mga order kung kailangan. Aniya, ang presyo ng kanilang panindang asin ay nagkakahalaga ng P50 hanggang P100 piso per pack; P50 hanggang P150 naman ang Suka; P120 per kilo ang Bawang at P50 per kilo naman ang Sibuyas.

Nang tanungin ko si Ate Joycel kung may epekto o apektado rin ba sila ng kasalukuyang pagtaas ng mga bilihin? Aniya, malaki raw ang epekto ng biglaang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa merkado ngayon at sa kagaya nilang farmer na may maliit na kabuhayan.

“Malaki, kasi yung mga ibang tao namamahalan sila pero wala tayong magagawa lahat naman nagtataas ng presyo, wish ko lang din na matugunan kaming mga farmers kasi minsan binabarat nila mga tanim namin tapos ang mahal naman pala ng bentahan sa mga market.” pahayag ni ate Joycel bunsod ng pagtaas ng mga bilihin sa kasalukuyang lagay ng ating ekonomiya at ang mga kaganapang sigalot ng bansang Russia at Ukraine at ang nagpapatuloy na pandemya.

Sa ngayon ay masayang nagpapatuloy sa pagbabanat-buto ang mag-asawa sa kanilang kabuhayan. Aniya, hangad nila na magpatuloy pa ang kanilang pagtitinda ng mas matagal at mas matatag pa. Pangarap din nilang maging mas malaking supplier ng kanilang mga produktong ibinebenta sa merkado.

“We commit everything to God, especially ibigay natin ang ating 10% na para kay God, maniwala ka at sa hindi, mas ibubuhos ng Panginoon ang biyaya Niya para sa iyo.” Pagtatapos ni ate Joycel.

Hindi hadlang ang pagiging salat sa buhay para malasap ang masaganang pamumuhay sa hinaharap. Basta’t nagsusumikap, tapat at may pananalig walang imposible sa biyayang ating matatanggap mula sa Diyos na Siyang may likha ng lahat. #RBM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “USAPANG KABUHAYAN: Buhay na Salat Noon, Nalalasap na Ngayon

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: