Pagtaas ng Presyo ng mga Bilihin, Dagdag Pahirap sa Lahat

Read Time:2 Minute, 26 Second

Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo sa bansa dulot pa rin ng sigalot sa Russia at Ukraine, asahan na raw ang nagbabadiyang taas-singil ng kuryente sa mga susunod na araw.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Sa aming paglilibot sa Dasmariñas Cavite at sa kahabaan ng Balintawak Market sa Quezon City. Bumulaga sa amin ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga naturang market na aming nadaanan.

Nakakabahala ang pagtaas ng mga pangunahing bilihin gaya ng presyo ng mantika na linaw ay nasa P160 – P170 piso kada 1.5 Liter; ang mantika na labo naman ay nasa P150 – P160 sa magkaparehong litro. Halos walang pinagkaiba ang presyo nito sa Balintawak market. Maging ang presyo ng calamansi at iba pang mga gulay ay patuloy pa rin na tumataas.

Maging ang mga produktong delata gaya ng sardinas in tomato sauce ay tumaas na rin maliban sa mga sardines with flavor, spanish sardines at canned tuna na tinututukan ng DTI Consumers ang presyo at suplay ng Basic Necessities and Prime Commodities (BNPCs).

Ayon naman sa mga nagdaang pag-uulat, sa pagmomonitor ng Department of Energy, ang presyo ng LPG products sa mga retail outlet ay pumalo na sa P850 – P1009.00 piso kada 11Kg.

Nananawagan naman ang mga grupo ng jeepney drivers and operators ng P5.00 dagdag-singil sa pasahe sakabila nang patuloy na pagsipa ng presyo ng gasolina sa bansa. Umaasa ang mga grupong ito na sila’y diringgin sa public hearing ang petisyon nila sa Land Transporation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa nasabing dagdag na minimum fare.

Kung sakaling ito ay payagan at maging epektibo, may posibilidad naman na ang pasahe ay iaakyat na sa P15 bilang minimum fare. Depende pa rin ito sa desisyon ng pamahalaan kung pahihintulutan ito.

Kailangan pa rin isaalang-alang ang mga komyuters at ang hinanaing ng mga jeepney drivers na wala nang kinikita dahil napupunta na lamang sa gasolina.

Hindi na talaga maaaring mapigilan pa ang pagtaas ng mga bilihin sa merkado at hindi na rin ito kakayanin pa ng mga ordinaryong manggagawa. Maging ang mga walang regular na trabaho na may malaking bilang ng pamilya at nasasadlak sa kahirapan sa buhay.

Sumisigaw na ang mga manggagawa sa taas-presyo ng mga bilihin na sumasahod lang ng minium wage na P537 per day sa Metro Manila at P373 sa probinsya ng Cavite. Paano pa kaya ang mga nasa malalayong probinsya na sumasahod pa ng mas mababa at ang mga walang regular na pinagkakakitaan.

Pagtulong ng gobyerno ang higit na kailangan ngayon. Ang pagpapautang sana para sa mga Micro-Small and Medium Enterprises (MSMEs) na siyang mag-aangat sa kalidad ng hanapbuhay, mga ayuda sa ordinaryong mga manggagawa, magsasaka, mga Tsuper at ang may mga kapansanan na nangangailangan din ng tulong at pagtugon.

Matinding pagtitipid pa rin ang kinakailangan nating gawin sa ganitong lagay ng ating pamumuhay na magpahanggang sa ngayon ay wala pa ring kasiguraduhan ang ating kinabukasan. 

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
100 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Johnson & Johnson Philippines supports Operation Smile PH’s mission to bring smiles to more Filipino cleft patients
Next post Mga empleyada ng DPWH sa Isulan, Sultan Kudarat nakiisa sa National Women’s Month Celebration ngayong taon

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: