ESPESYAL TINIG Ni: Rex Molines

Pagtanaw sa mga Kababaihan sa Kanilang Kahusyan

[ESPESYAL]

MARSO 2022 — Espesyal ang buwan ng Marso para sa mga kababaihan sa buong mundo at maging sa ating bansa. Itinakda ang ika 8 ng Marso sa buong mundo dahil ito ang International Women’s Day. At dito sa ‘Pinas, hindi lamang isang araw nating pinaghahandaan ang pagtanaw sa mga kababaihan kundi ito ay ating pinagdidiriwang sa buong buwan ng Marso para kilalanin ang iba’t ibang papel ng mga kababaihan sa ating lipunan.

Sa ilalim ng Proclamation No. 224 s. 1988, ang unang linggo ng Marso ay tinakda bilang Women’s Week at ang Marso 8 bilang Women’s Rights and International Peace Day. Batay sa Republic Act No. 6949 ang pagdiriwang ng National Women’s Day bilang Working Special Holiday sa buong bansa.

Natatangi ang husay ng mga babae sa iba’t ibang larangan o propesyon na kanilang ginagampanan, sa komunidad, mga organisayon na kinaaaniban, maging sa gobyerno, sa mga pribadong opisina, sa paaralan, ospital at sa loob ng ating mga tahanan.

Napakagandang slogan sa social media ngayon kung saan ay pinapaalala na, “BABAE KA! HINDI BABAE LANG.”

Ang katagang ito ay nagbibigay paalala sa mga kababaihan na dumaranas ng matinding depression sa lahat ng kanilang mga kinahaharap sa buhay ngayon. Iba-iba man ang estado, katangian at katawagang ngalan sa mga kababaihan, hindi nito maikukubli na sila ay may malaking kontribusyon sa ating mundong ginagalawan.

Ang mga Babae o ang mga ina ang bumabalanse ng mga sitwasyon sa loob ng tahanan, nagpapamalas ng magandang-asal para sa mga kabataan, madaling lapitan sa oras ng kapighatian at pag-iisa. Natatangi ang lakas ng babae na wala sa mga kalalakihan; ito ay ang busilak na kalooban at ang pagmamahal nilang hindi nasusukat kailanman. Ika nga, “women’s power is truly a great force for change.”

Pusong-mamon man, may katapangan at kalakasang tinataglay na kayang magpabago ng lahat.

Ina ka man, Ate, Tita, Mama, Mommy, Mamu, Mudra, Maam o anupaman ang ibansag sa iyong ngalan, tunay kaming nagpapasalamat sa inyong mga kahusayan.

BABAE KA at hindi pamantayan ang kasarian lang sa mga trabaho na dati rati’y mga kalalakihan lang ang gumagawa at nakakaalam. Tunay ka ngang BABAE, HINDI BABAE LANG. Happy Women’s Month! #RBM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Pagtanaw sa mga Kababaihan sa Kanilang Kahusyan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: