
ANTHENA REMOTE, AT IBA’T IBANG ABUBOT
[Ni: Sid Samaniego]
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!ROSARIO,CAVITE: Halos 2 dekada ng nagtitinda ng anthena at remote control itong si Kuya Ariel Buenaventura, tubong Caloocan, at kasalukuyang naninirahan ngayon sa Brgy. Sta. Rosa 2, Noveleta Cavite. May asawa, 4 na anak at 4 na apo.
12 taon nang naninirahan sa Cavite itong si Kuya Ariel. Sa Caloocan pa lang ay ganito na rin ang kanyang kinabubuhay.


Anthena, remote control, flashlight, extension at bombilya ang kanyang kasama araw-araw. Mga panindang kanyang inilalako kasama ng kanyang lumang bisekleta na punung-puno ng mga abubot.
Halos ikutin niya ang buong bayan ng Noveleta at Rosario. Kumikita siya ng 700 piso bawat araw.

Sa kanyang paglalako, higit na nakakatawag pansin ang kanyang isinisigaw. Sa unang tingin at pandinig, animo’y minumura ka ng taong ito. Dahil ang salitang “anthena remot” ay nagiging “ATENAMO” na pinaigsi na lamang.
Kaya sa tuwing napapadaan siya sa bawat kumpulam ng mga tao ay pabiro din siyang sinisigawan ng mga ito ng “ATENAMORIN….”
Masayahing tao si Kuya Ariel, kaya naman naaaliw sa kanya ang marami. Isang huwarang ama at asawa. At isang mapagmahal ng Lolo.
“Maging tapat sa mga costumer, at maging mahinahon sa pakikipag-usap”, ang mensahe nya sa mga kapwa vendor.
Si Kuya Ariel ay patuloy na iikot gamit ang bisekleta at hindi mahihiyang sumigaw ng sumigaw gamit ang salitang “ATENAMO” na tumatak na sa kanyang pagkatao.
Mamumuhay ng marangal at may takot sa Diyos kasama ng kanyang buong pamilya. Mabuhay ka, Kuya Ariel! ###