BALITA Banner Story NATIONAL PULITIKA

“MAY PAGPAPAHALAGA SA KAPWA AT ABUGADO,” – Pangulong Duterte sa dapat piliin na sa susunod na Lider ng Bansa

Ibinahagi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang panayam kay Pastor Apollo Quiboloy nitong Sabado [Marso 12, 2022] na isa sa mga dapat tingnan ng mga Pilipinong botante ay ang may kakayahang ipagpatuloy ang kanyang sinimulan at dapat isang lawyer.

Ibinahagi rin ni Duterte kung paano niya natutunan ang pagmamalasakit na kanyang natutunan sa kanyang ama, si Davao Governor Vicente Duterte, na nagpamalas sa kanya ng pagkahabag at pagmamalasakit sa mga taong pinaglungkuran niya.

“If there is somebody who would ask me on what it would be, sabihin ko, you must love the human being. Kailangan mahal mo talaga ang kapwa mo tao,” ani Pangulong Duterte.

“Kasi kami nagbiru-biruan noon, sabi ko ‘paglaki ko, congressman ako,’Sabi ng tatay ko, ‘No, first of all, kailangan mahal mo ‘yung tao,” dagdag ni Duterte.

“So [he/she] must be compassionate. Pero extreme lang ako. Maawain ako pero pagka durugista ka? Anak ng…Umalis ka na lang diyan, barilin ko ‘yang it—,” ani Duterte.

Sinabi pa ni Duterte na ang susunod na pangulo ng bansa ay dapat isang lawyer o mambabatas.

“Hindi naman ako nagsabi it’s the best quality, but one of the good qualities of a president, sana abugado. Isang tingin mo lang maka-decide ka na agad, and the repercussions, alam mo na kung ano. Whatever kind of — how would you say — issue or — alam mo na,” ani Duterte.

Kung mababatid, si presidential aspirant Vice President Leni Robredo at Jose Montemayos Jr., lamang ang mga lawer na tumatakbo sa sampung mga kandidato sa panguluhang pwesto sa bansa.

Samantala, nahaharap pa rin ang Duterte Adminstration sa mga kasong may kaugnayan sa paglabag sa karapatang pangtao dahil sa madugong pagharap nito kontra war on drugs na inakyat na sa International Criminal Court (ICC) noong nakaraang taon. ##

Source: GMA News

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

%d bloggers like this: