Andrea Brillantes, Ricci Rivero may relasyon?
[by Athena Yap]
Kumakalat ngayon sa social media ang ilang mga litrato na nagpapa-pahiwatig na maaaring nagdidate ang young actress na si Andrea Brillantes at Basketball star na si Ricci Rivero.

Hindi nakaligtas sa matatalas na mata ng mga netizen ang kuha kung saan makikitang suot ni Blyth ang Jersey ni Ricci.
Sa unang tingin ay tila walang something sa jersey na suot niya pero nang maikonek ng mga netizen ang litrato na naglalaro si Ricci suot ang parehas na jersey ay dito na nagmula ang espekulasyon na may namamagitan sa dalawa.
Sumunod naman ay may litrato ang dalawa sa parehas na waiter/chef sa isang restaurant.
Dahil d’yan ay may halo-halong reaksyon ang mga netizen tungkol sa ugnayan nina Blyth at Ricci.
Marami syempre ang kinilig at excited malaman ang real score ng dalawa.
Samantala hindi rin mawawala ang mga kontra at hindi maka-move on sa “SethDrea” na tambalan ni Blyth at Seth Fedelin.