ENTREPRENEUR ESPESYAL PROVINCIAL

PRODUKTONG SARILING ATIN, ILALAKO…LALAKARIN… ABUTIN MAN NG DILIM

[Ni: Sid Samaniego]

ROSARIO, CAVITE: Sampung taon pa lamang si Dionisio De Guzman, alyas “Adong”, 48 taong gulang, may asawa at 3 anak, tubong San Carlos Pangasinan ay naulila na siya sa kanyang ama.

Pagsapit niya ng 15 taon gulang ay sumabak na siya sa paglalako ng produktong sariling atin. Upang matulungan ang kanyang ina at mga kapatid.

Si Adong ang tumayong ama ng pamilya na sa murang edad niya ay sumabak na sa mabigat na pasanin ng buhay.

Mula’t sapol sa ganitong klase na ng hanap-buhay siya hinubog ng panahon. Hanggang magkaroon na siya ng asawa at 3 anak.

Tibay ng binti, tuhod, at paa ang isa sa puhunan sa paglalako ng produktong sariling atin. Hindi biro ang layo ng nararating niya.

Walang hangganan….Walang direksyon…Hangga’t may maraming tao na magtutulak sa kanya papunta sa lugar na kung saan pwedeng maibenta ang lako niyang paninda ay doon siya dadalhin ng kanyang dalawang paa.

Kung abutin man siya ng takip-silim, makiki-usap siya na doon muna pansamantala. At pagkagising ng umaga, muli siyang lalarga sa kalsada.

Kumikita siya ng halagang 500piso bawat araw.

“Sipag at tiyaga lang ang puhunan sa hanap-buhay na ito. At samahan pa ng matinding pakikisama sa kapwa”, mensahe ni Adiong.

May pagkakataong may nakakasalamuha siyang masamang tao. Sa una ay magpapanggap na bibili ng produkto niyang dala, yun pala ay palihim na nanakawin ang paninda niya.

Ganun pa man, malumanay at nakangiti pa rin siyang nakikipag-usap sa mamimili. Na mistulang walang nangyari.

Halos 2 taon na ring hindi nakakauwi sa kanyang probinsya si Adiong. Nagpapadala na lamang siya ng pera sa kanyang pamilya.

Mag-isa siyang namumuhay kasama ng tulak-tulak ng produktong sariling atin hanggang sa magdilim. ###

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “PRODUKTONG SARILING ATIN, ILALAKO…LALAKARIN… ABUTIN MAN NG DILIM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: