Entertainment Showbiz

Jericho Rosales viral sa paghuhugas ng pinggan

[by Athena yap]

Muling kinakiligan ng kababaihan ang all time heartthrob actor na si Jericho Rosales, pero hindi sa palabas kundi sa kanyang pagkakawang gawa sa isang bar sa La Union.

Last year pa naganap ang pagkakawang gawa ni Echo pero hanggang ngayon ay hindi pa rin maka-get over sa kabutihan ng aktor ang bartender na si Melissa.

Sa original audio ng inupload niyang video ng aktor, pabirong sinasabi ni Rosales na malakas daw kasi uminom ang mga tao kaya ang daming hugasin.

Ayon naman sa kwento ng Bartender, nag iisang all-around lang siya nung oras na ‘yon kaya naman nagkusang tumulong sa paghuhugas ang aktor.

Ayon naman daw sa eksplenasyon ng aktor, naramdaman na raw niyang tinamaan na siya sa ininom niya kaya kaysa malasing nang malala ay naghugas nalang siya ng pinggan. #DM

%d bloggers like this: