Entertainment Showbiz

Angelica Panganiban magiging mommy na!

[by Athena Yap]

Finally ay dumating na ang araw na pinakahinihintay ng “The Kangks Show” actress na si Angelica Panganiban.

Masayang inanunsyo ni Angge sa kanyang social media accounts na siya ay magiging ina na.

Napaka-artistic pa nga ng paraang kung paano niya isiniwalat sa publiko ang kanyang pagdadalang tao. Nakalagay sa transparent jar ang ultrasound ng kanyang tiyan habang naka-blurr silang dalawa sa background ng kaniyang boyfriend na si Gregg Homann. 

Kitang kita naman sa caption ng post niya kung gaano siya ka-saya sa pagbabahagi ng magandang balita.

“Sa wakas! Magagampanan ko na rin ang pinaka hihintay, at pinaka importanteng papel ng buhay ko. Magiging Ina na ako!” Aniya.

Magkahalong tuwa at emosyonal daw ang naramdaman ng aktres at lalo na ang kaniyang partner na si Gregg. #DM

%d bloggers like this: