PARANG ‘PEPE & PILAR’: Pampolitikang Dinastiya Ngayon

Read Time:1 Minute, 5 Second

[by Danilo P. Cruz]

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

NAHAHARAP sa matinding pagsubok ang bansa ngayon nang pumasok at lumaganap ang pampolitikang dinastiya hindi lamang sa mga lalawigan, bayan-bayan o siyudad sa buong Pilipinas.

Maihahalintulad sa mga karakter na komiks pambata noon na “Pepe & Pilar” ang mga kasalukuyang naghahangad na tumakbong senador sa halalan sa Mayo 9, isang magandang paglalarawan nang impluwensya ng politikang dinastiya sa ating bayan.

Nandyan ang paglahok ng dating kalihim ng Department of Public Works and Highways na si Mark Villar na nababalitang tatakbo sa pampanguluhan sa 2028. Kung papalaring makakuha ng boto ng mamamayan ay makakasama niya sa Senado ang inang si Cynthia.

Maging sila dating House Speaker Allan Peter Cayetano ng Mababang Kapulungan ay tumatakbo ring senador at kung magtatagumpay ay makakasama niya ang kapatid na si Pia, at dating Senador Jinggoy Estrada at kapatid sa amang si JV Ejercito na kapwa naghahangad din na maging senador na muli.

Si dating TESDA Director General Joel Villanueva ay tumatakbo rin sa pagka-senador at kung papalarin ay makakatambal niya ang amang si Eddie na kumakatawan namang kagawad sa ilalim ng party list na CIBAC sa Mababang Kapulungan.

Ang pinakatampok sa lahat ay ang tambalang Bongbong Marcos Jr. at Imee Marcos na kung saan ang una ay tumatakbong pangulo at ang huli ay kasalukuyang senador.**

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Binondo-Intramuros Bridge, magbubukas na sa Abril
Next post PUP Radio Conference 2022

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d