Entertainment Showbiz

Ana Jalandoni may mensahe kay Kit

[by Athena Yap]

Matapos ang insidente kung saan binugbog si Ana Jalandoni ng ex boyfriend na si Kit Thompson, humarap na sa publiko si Ana.

Emosyonal niyang ibinahagi ang mga pahayag niya tungkol sa pambubugbog ng ex.

Bagama’t handa naman daw siyang patawarin si Kit pero kailangan pa rin aniya pagbayaran ang mga nagawa niya.

Ayon naman sa kampo ni Ana, ang layunin ng press conference na ginanap ay ihayag ang dalawang kaso na isasampa sa aktor at iyon ay frustrated homicide at illegal detention.

Nang tanongin naman kung ano ang mensahe niya sa ex, “Kit, fix yourself” ang batid niya. #DM

%d bloggers like this: