[by Athena Yap]
Tila game over na ang pila ng kababaihan sa heartthrob actor na si Joshua Garcia.
Hinihinala ngayon ng mga Marites na maaaring may romansang namamagitan sa aktor na si Joshua at atleta na si Trina.

Nagsimula ang pag-espekula ng mga netizen dahil sa active na palitan ng comments nina Joshua at Trina sa Instagram.
Ngayon naman ay makikita sa account ng atleta na magkasama silang nag beach ni Joshua at lalo silang kinilig nang makita na pinost ni Joshua sa IG story ang solo pic ni Trina na nakatalikod.
Wala itong caption pero hindi kasi karaniwang nagpo-post basta basta si Joshua ng ganoon kaya nag suspetya na ang mga Marites.
Sunod naman ay kita rin sa IG story ni Trina na naglalaro sila ng sports habang nasa beach. #DM
0 comments on “Joshua Garcia, Trina Guytingco may namamagitan?”