BALITA Sid Samaniego Viral Now

NAWAWALANG PARI SA ROSARIO, CAVITE NATAGPUANG NAKAGAPOS

[Ni Sid Samaniego]

ROSARIO, CAVITE –— Matapos mawala ng halos dalawang araw, natagpuan ngayong araw sa Barangay Lumil sa bayan ng Silang Cavite, ang naiulat na nawawalang Parish Priest ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Most Holy Rosary-Reina de Caracol ng Brgy Poblacion sa bayan ng Rosario, Cavite.

Nabatid mula kay PLtCol Ruther Saquilayan, hepe ng Rosario Municipal Police Station, nakitang nakagapos sa loob ng kanyang sariling sasakyan buhay ang missing priest na si Rev Fr. Leoben Peregrino y Octavo, 58 anyos at huling nakita sa Rosario Cavite noong umaga ng Abril 1, bago ito naiulat na nawawala sa pulisya kahapon.

Pinadala ni Sid Samaniego

Nabatid na sakay ng kanyang Mitsubishi Adventure na may plakang VES 470, patungong Imus Cavite ang Pari para bumili ng kandila noong umaga ng Abril 1, pero mula noo’y hindi na ito nakabalik, hanggang matagpuan na nga dakong ala-1 ng hapon kanina.

Si Fr. Perigrino ay 6 na taon ng nagsisilbing Parish Priest sa Rosario Cavite.

Kasalukuyang nasa isang pribadong ospital sa Sta Rosa Laguna ang natagpuang Pari para sa kinakailangan nitong medical attention, hindi pa nagbigay ng opisyal na pahayag ang Rosario MPS kaugnay sa pangyayari. #DM

%d bloggers like this: