BALITA Press Release

Bagong Webinar Series ng Shincheonji Church Ukol sa 6,000 taong Kasaysayan ng Bibliya

Kasalukuyang ipinapalabas ng Shincheonji (New Heaven and New Earth) Church of Jesus, the Temple of the Tabernacle of the Testimony ang isang bagong webinar series na pinamagatang, “Ang Patotoo sa Pahayag ng Luma at Bagong Tipan Kada Kabanata” simula noong ika-31 ng Marso hanggang sa ika -7 ng Hunyo, 2022 na mapapanood sa YouTube at Facebook Live.

Mananatili ang iskedyul ng airing na dalawang beses sa isang linggo, tuwing Lunes at Huwebes sa ganap na ika-9:00 ng umaga tulad ng iskedyul ng introductory series tungkol sa mga parabula ng Bibliya at mga sikreto ng langit, na nagtapos noong ika-28 ng Marso. Naglalaman ito ng 25 na episode kung saan ang lektyur ay base sa intermediate na kurikulum ng Zion Christian Mission Center (ZCMC), isang Bible education center na pinapatakbo ng Shincheonji Church.

Ayon sa simbahan, inihahayag ng intermediate na kurikulum ang mga ‘pangako at katuparan ng Aklat ng Pahayag sa pamamagitan ng pagkumpirma ng plano ng Diyos na naka-propesiya at natupad sa nagdaang 6,000 taon ng Bibliya’.

Nagbigay ng lektyur si Chairman Lee Man-hee noong ika-31 kung saan itinuro niya ang kabuuang Bibliya at ibinahagi ang layunin ng intermediate na kurikulum sa ilalim ng paksang ‘Bagong Langit at Bagong Lupa, ang Templo ng Tabernakulo ng Patotoo’.

Kaugnay ng intermediate na kurikulum, sinabi ni Chairman Lee, “Pagkatapos ng Revelation seminar at introductory na kurikulum, [ang mga instruktor] ang magtuturo ng intermediate na kurikulum. Sila ang mga taong naisulat ang Luma at Bagong Tipan – kasama ang Pahayag – sa kanilang mga puso at isip upang maging isang buhay na Bibliya. Mangyaring ilista ninyo ang anumang sa tingin ninyo ay mali, magtanong kayo, at magbigay ng mga komento sa anumang oras.

May kabuuang 70,000 katao ang dumalo sa nakaraang serye, at 7,000 katao mula sa South Korea at sa ibang mga bansa ang nagrehistro para sa susunod na training course, samantala, halos nasa 3,000 naman ang nagrehistro para sa regular na training course ng ZCMC. Sa ngayon, lumampas na ng 15 milyon ang kabuuang bilang ng mga manonood. Ang bilang ng mga pastor na pumirma ng MOU at nag-apply para makatanggap ng mga educational materials ay umabot sa 2,000, at mahigit sa 100 pastor, mga ebanghelista at mga seminarista sa Korea ang nagrehistro sa regular na kurikulum.

Ang bagong serye ay sabay na ipapalabas sa 24 na wika kabilang ang Tagalog. Mapapanood ang mga Tagalog-dubbed episode sa opisyal na Facebook page at YouTube channel ng Philippine branch:

Facebook: https://bit.ly/IntermSeriesFB

YouTube: https://bit.ly/IntermSeriesYT

Kaugnay nito, magsasagawa rin ang simbahan ng isang Asia-wide special webinar na pinamagatang “War and Peace at the End Times” sa darating na ika-9 ng Abril, 2022, 6:00 PM PH Time, kung saan si Chairman Lee mismo ang tagapagsalita.

Sa patuloy na mga pagtatalo sa ilang bahagi ng mundo na nag-udyok ng digmaan at kaguluhan, kabilang na ang kasalukuyang kalagayan ng pandemya, maraming tao ngayon ang nababahala kung ito na ang ‘katapusan ng panahon’. Gaya ng nabanggit sa Mateo 24, ang digmaan ay isa sa mga palatandaan ng katapusan ng panahon. Nilalayon ng webinar na magbigay ng masusing talakayan at pag-unawa sa tunay na kahulugan ng digmaan batay sa Bibliya, pati na rin ang mga paraan kung paano makakahanap ng kapayapaan ang mga mananampalataya sa gitna ng mahirap na panahong ito.

Ang webinar na ito ay bukas sa lahat ng pinuno at miyembro ng relihiyosong komunidad. Para makasali sa pamamagitan ng Zoom, mangyaring magparehistro ang sinumang interesado sa link na ito: https://bit.ly/SW-07

Para sa mga katanungan, i-contact ang 09484787234 / 09636016654 o magpadala ng e-mail sa contact.nhneph@gmail.com.

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

%d bloggers like this: