
BBM, nangunguna pa rin sa Pulse Asia Survey; VP Leni Robredo, umaangat ng bahagya
Patuloy pa ring nangunguna sa pinaka huling survey ng Pulse Asia si presidential aspirant former Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ngunit umangat naman ng bahagya si VP Leni Robredo sa magkaparehong panguluhang pwesto.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Ang resulta ng survey ay isinagawa noong Marso 17 hanggang 21 na may 2,400 respondents. Bumaba sa 56 porsiyento mula sa dating 60 porsiyento noong Pebrero si Bongbong Marcos.

Pagkakataon naman ito para sa kampo ni VP Leni Robredo kung saan umangat ng 9 porsyento mula sa 15 porsyento noong Pebrero at ngayon ay umangat sa 24 porsiyento sa buwan ng Marso.

“The survey numbers are starting to reflect what we have been seeing on the ground all along: Massive crowds, the fierce passion, the untiring commitment of Filipinos from all walks of life, coming together to rally behind Leni Robredo’s bid for the Presidency,” paglalahad ni spokesman Barry Gutierrez sa kanyang inilabas na statement.
Dahil sa pag-angat ni VP Leni Robredo ng bahagya, inaasahan na mas tututukan pa ng bawat kandidato ang kanilang pangangampanya para mas hikayatin pa ang taumbayan sa pagpili ng kanilang tamang iluluklok sa panguluhang pwesto at maging ang mga tumatakbo sa lokal na posisyon sa darating na Mayo 9. #DM
Source: