[Ni Sid Samaniego]
Abala na sa pagtitinda ngayong araw ng palaspas si Mark Edward Esteria, 21 taong gulang at kasalukuyang naninirahan sa Carla Ville Subd, Brgy. Wawa 3, Rosario, Cavite, tubong Gamay Samar Leyte.
Bata pa lamang si Mark ay nagtitinda na siya ng palaspas.


Isang aktibong gwardya rin si Mark sa isang pribadong kumpanya sa Epza. At kasalukuyan ding kumukuha ng kursong Criminology sa Granby Colleges of Science and Technology sa Naic, Cavite.


Nasa 50 pesos ang halaga ng bawat palaspas. Sa paniniwala ng mga tao, ang palaspas diumano ay pampaalis ng masamang elemento. ###
0 comments on “Ang panindang Palaspas ni kuya Mark”