ENTREPRENEUR ESPESYAL Food

BOARD PASSER, TINDERO NG SARILING FOODCART KIOSK

DASMARIÑAS CITY, CAVITE — Sa patuloy na pagluluwag ng Alert level status sa bansa, pagkakataon naman ito para sa mga maliliit nating negosyante na nagbubukas muli ng kanilang negosyo.

Gaya ng pagbubukas ng mga food park sa iba’t ibang komunidad na dinadagsa ng marami. Dahil dito, nakakaisip ang ilan nating mga kababayan ng sariling konsepto ng kanilang ideal food cart business na patok sa kanilang mga mamimili gaya ng nakilala ko sa lungsod ng Dasmariñas, Cavite.

Si kuya Jolas R. Pelias, 32 taong gulang, may-ari ng kanilang sariling konsepto na Fried Noodles food cart at iba pa, katuwang ang kanyang partner at kasalukuyang naninirahan sa Mabuhay City Subdivision Brgy. Paliparan III, Dasmariñas City Cavite. Si kuya Jolas ay nakapagtapos ng kolehiyo sa kursong Bachelor of Science in Social Work sa Philippine Christian University – Taft Campus, sa tulong na rin ng isang non-government organization sa kanilang lugar, ang Pangarap Foundation Inc. At ito ay lubos niyang pinagpapasalamat sa Diyos, at bilang ganti, ibinabahagi rin niya ang blessings na mayroon siya para sa mga higit na nangangailangan. Ang bidang entrepreneur natin ay isang certified Board Passer at kasalukuyang nagtatrabaho bilang Social Welfare Officer sa Makati Social Welfare Department.

Nagsimulang magtayo ng sariling negosyo ang magpartner noong June 8, 2021. At dahil sa pabago-bagong protocols para sa mga manggagawa, pinili niyang mag-resigned sa isang BPO job na kanyang pinagtatrabahuhan noon. Isa rin sa nagtulak sa kanila para magnegosyo ay ang limitadong paglabas ng mga tao at kasabay nito ay ang patuloy na pag-usad ng virtual or online business (e-commerce).

Nung una, gusto lamang niyang kumita at makatulong sa mga gastusin nila sa araw-araw buhat ng siya ay mag-resigned. Aniya, hindi niya akalain na papatok sa kanilang mga customer ang kanilang sariling timpla ng Fried noodles, corndog at iba pa. Patok ang sarili nilang timpla at kakaiba nitong twist na may adobo meat, egg drop pinoy version at chili sauce na sila ang gumagawa . Mabenta rin ang kanilang Korean corndog dahil sa combine sauce nito. Meron din silang meaty sandwich hotdog at footlong bacon pinoy version sauce at iba pang special sauces na swak sa inyong panlasa.

Ginamit ni kuya Jolas na panimulang puhunan ang nakuha nitong last pay na P10,000 sa pinagtatrabahuhang BPO. Dahil may kamahalan ang pamumuhunan sa Foodcart Franchise business. Sinubukan nilang gumawa ng sariling konsepto ng kanilang foodcart kiosk.

Nagtayo sila ng sariling kiosk sa harap mismo ng kanilang bahay kung saan dinadagsa ng mga kakilala, kapitbahay at mga napapadaan doon. Pinasok din nila ang online selling dahil mabilis din silang nakakakuha ng mga customer online.

“Sariling concept po ito. Na-inspire kami na magtinda ng aming mga product dahil gusto din naming itong kinakain. At may impluwensya na rin ng contemporary music ng k-pop naisip namin na papatukin ito ng mga mahilig manood ng k-drama or music lovers at merienda lovers,” pahayag ni kuya Jolas. Aniya, nais din nilang magbukas ng branch na malapit sa kanyang magulang sa Cavite.

Dahil sa maganda ang feedback ng kanilang mga customer, sumubok silang mangupahan sa isang food park sa loob ng kanilang subdivision para mas makilala pa noong November 8, 2021.

Ngunit, hindi sila tumagal doon at muling bumalik sa kanilang pwesto sa harap ng kanilang bahay dahil na rin sa pabago-bagong health protocols at Alert level status. Malaki rin ang epekto sa kanilang negosyo ang pagtaas ng presyo ng bawat bilihin sa kasalukuyang lagay ng ating ekonomiya.

“Naapektuhan ang presyo ng aming paninda sa tuwing nagtataas ang mga bilihin lalo na ang aming mga ginagamit mula sa lagayan, sauce at iba pa. Pero never kaming sumuko na ipagpatuloy ang negosyo namin. Laban lang!” ani kuya Jolas.

Kaya naman, payo ni kuya Jolas, “Sa mga may nais na magnegosyo, mahalaga na isaalang-alang ang demand ng sitwasyon dahil sigurong magkakaroon ka ng target market. Pangalawa, huwag mag-focus sa dami ng maibebenta kundi sa quality nito para siguro na masarap ang bawat produkto. Pangatlo, yung kahandaan na dumadaan lahat sa pagsubok na konti lang ang sales mo daily pero ‘wag sumuko dapat positive at mahalin mo Negosyo na mayroon ka. Matutong makipagusap sa mamimili dahil makakapag establish ng relationship then later on magiging suki na. Maging mapagpakumbaba, matutong makinig sa payo ng ibang nagnenegosyo at critics para mas mag-improve ang inyong products at ang pamamalakad ng iyong tatahaking negosyo.”

Patunay lamang si kuya Jolas na hindi basehan kung may titulo kang nakamit sa pag-aaral, bagkus kung paano ka kikilos para mas kumita kahit na may regular job ka pa at para sa ikagiginhawa ng pamumuhay dahil sa huli ikaw rin ang aani. #RBM 

Para sa mga nais mag-order ng kanilang mga lutuing merienda at iba pa, i-click ang poster sa ibaba;

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “BOARD PASSER, TINDERO NG SARILING FOODCART KIOSK

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: