ULAT PANAHON

Agaton, nag-landfall sa Guiuan Eastern Samar; Signal nos. iniakyat sa Kabisayaan

Nag-landfall na ang Tropical Storm Agaton sa bahagi ng Calicoan Island sa Guiuan, Eastern Samar dakong alas 7:30 kaninang umaga, ayon sa pahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronimical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo (Abril 10, 2022).

Huling namataan ang bagyo sa karagatang sakop ng Guiuan, Samar taglay ang 75 kilometers per hour (km/h) at pagbusgong 105 km/h .

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa mga sumusunod na lugar: Southern portion ng Eastern Samar (Guiuan, Mercedes, Salcedo, Quinapondan, Giporlos, Balangiga, Lawaan, General Macarthur, Hernani, Llorente, Balangkayan, Maydolong, Borongan City); Southern portion ng Samar (Marabut, Basey, Calbiga, Pinabacdao, Villareal, Santa Rita). Northeastern portion ng Leyte (Babatngon, Tacloban City, Palo, Tanauan, Tolosa)

Samantala, TCWS No. 1 naman sa nalalabing bahagi ng Eastern Samar; nalalabing bahagi ng Samar, Northern Samar, Biliran, Natitirang bahagi ng Leyte, Southern Leyte; northeastern portion ng Cebu (Daanbantayan, Medellin, Bogo City, Tabogon, Borbon) kabilang ang Camotes Islands.

Ayon sa PAGASA, asahan na ang malalakas at paminsan-minsang biglaang pag-ulan sa Eastern Visayas at Dinagat Islands.

Katamtaman hanggang sa malakas na mga pag-ulan naman ang iiral sa Surigao del Norte, Agusan del Norte, Bohol at Cebu.

Mahihina hanggang sa katamtamang malakas na pag-ulan ang mararanasan sa Masbate, Sorsogon, Albay, Catanduanes, Romblon, Northern Mindanao at natitirang bahagi ng Visayas at Caraga. ###

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

%d bloggers like this: