[Photo: DOST_Pagasa]
Pumasok na ang bagyong #MALAKAS sa Philippine Area of Responsibility na pinangalanang bagyong #BasyangPH, ayon sa Pagasa kaninang alas 11:00 ng umaga.
Kaninang alas 10:00 n.u., ang namataan ang bagyong #BasyangPH sa layong 1,435 km East of Southern Luzon. Na may maximum sustained winds 120 km/h malapit sa sentro at pagbugso na aabot ng 150 km/h at central pressure nito na 975 hPa.
Makakaapekto ang bagyong #BasyangPH sa kasalukuyang weather condition ng bansa. Kumikilos ito pahilaga sa susunod na 6 na oras bago lumiko sa hilagang-silangan. Inaasahan na hindi tatagal ang bagyong #BasyangPH sa loob ng PAR at ito ay maaaring lumabas mamayang gabi.
Samantala, paiigtingin nito ang kanyang lakas na maaaring umabot sa peak intensity na 150 km/h bukas ng umaga. #DM
0 comments on “Bagyong Basyang, nakapasok na sa PAR”