Miyerkules Santo, tinatawag din na SPY WEDNESDAY

Read Time:1 Minute, 46 Second

Alam niyo ba na ang Holy Wednesday o Miyerkules Santo ay tinatawag din na SPY WEDNESDAY?

Sapagkat, ito ang araw na nakipagsabwatan si Hudas Iscariote sa mga Pariseo upang ipagkanulo si Hesus kapalit ng tatlumpung pilak mula sa mga Sanhedrin na kanyang nakaulayam. Ang kanyang pagtataksil kay Hesus ay nauwi sa pagkitil ng kanyang sariling buhay.

Pinapaalala sa atin ng Ebanghelyo ang pagkanulo kay Hesus ng isa sa Kanyang mga pinagkakatiwalaang Apostol. Ibigsabihin, hindi ito ang panahon para tayo ay maglaglagan, magturuan o ipagkanulo ang ating kapwa.

Lahat tayo ay nahaharap sa pinakamalawakang krisis sa ating kalusugan at ang pagbagsak ng pandaigdigang ekonomiya na ngayon ay muli namang nagbubukas ng bahagya.

Marahil, ito ay paraan ng Diyos upang tayo ay magising sa katotohanan sa ating makamundong gawain, ang paghahangad ng higit pa sa kalabisan at ang paglimot sa pagtawag natin sa Diyos sa mga panahong tayo ay maligalig sa makamundong pagnanasa.

Marami tayong hinanaing sa ating gobyerno at sa mga kumakandidato sa nalalapit na Halalan 2022. Kaliwa’t kanang patutsadahan ng mga politiko at ng mga sumusuporta sa kani-kanilang kandidato na sila-sila rin ang gumagawa ng mga kasinungalingan, kasiraan at pagkakanulo sa iba.

Isa rin sa nagbibigay kalituhan sa kaisipan at kilos ng taumbayan ay ang mga naglipanang fake news, misinformation, disinformation at malinformation sa social media at internet at gaya ng ‘kalye surveys’ na talamak sa online world at iba pang mga hakbanging nakasisira ng ating paniniwala, pagkatao at pamumuhay.

Ngayong Miyerkules Santo, gawin nating katanggap-tanggap ang mga bagay na ating magagawa sa ating kapwa at maging “mabuting espiya” tayo sa pagbabantay at pagpili sa tamang kandidato na ating iluluklok sa pwesto sa gobyerno ngayong Mayo 9.

Sa panahon na dapat tayo ay nagninilay-nilay, nagbibigay papuri at pasasalamat sa kadakilaan ng Panginoong Hesukristo. Ito rin ang panahon ng paghahatid ng mabuting balita ng Diyos para sa lahat at ipagdasal na matapos na ang pandemya na patuloy nating nararanasan sa buong mundo at ang nagpapatuloy na giyera sa ibang bansa. Nawa’y mag-ayuno tayo at magdasal ng taimtim kasama ang buong pamilya natin ngayong Semana Santa. #RBM

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post DTI 11 to mentor 49 entreps in 1st half of 2022
Next post Ms. Andres says “Ramadan Mubarak”
%d bloggers like this: