BALITA ESPESYAL PROVINCIAL

PAGLALAKAD NG NAKAYAPAK MULA ROSARIO CAVITE HANGGANG BACLARAN CHURCH, ISANG PANATA

[Ni Sid Samaniego]

ROSARIO, CAVITE: Tuwing Huwebes-Santo isinasagawa ang isang panata ng maraming kabataan mula Rosario, Cavite ang paglalakad ng nakayapak mula sa bayan na ito hanggang Baclaran Church.

Umaabot ng 3 hanggang 4 na oras ang paglalakad.

Karamihan sa kanila ay grupo-grupo ang diskarte sa paglalakad. Ang iba sa kanila ay may hawak na Rosario kasabay ng pagdarasal habang naglalakad.

Sa paniniwala ng mga namamanata, nababawasan diumano ang kanilang kasalanan sa buhay kapag isinasagawa nila ito.

“May kalayuan din ang Baclaran Church kung tutuusin. Hindi biro ang ginagawa naming ito. Dahil marami naman kami, hindi naman namin namamalayan ang sakit at ngalay sa paglalakad. Masaya kami kapag natatapos namin ang aming misyon”, kwento ni Allan Villa.

Nasa layong 24.8 kilometro ang layong lalakarin ng mga namamanata. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

%d bloggers like this: