ESPESYAL NEWS AND TRENDS PROVINCIAL

Panata ng Mangtatatak tuwing Semana Santa

[Ni Sid Samaniego]

Epipanio Delos Santos Avenue

ROSARIO, CAVITE: Halos 15 taon ng nagtatatak ng mga nagpepenitensya si Mariano Reyes Litana a.k.a “Nano”, 50 anyos, tubong Brgy. Ligtong 1 ng bayang ito.

Kapag sumasapit ang mahal na araw, ay pinaghahandaan na niya ang paggawa ng pangtatak.

Ang pangtatak ay gawa sa kawayan na nilagyan ng 9 hanggang 12 pirasong blade. Na siya namang ipapalo sa likurang bahagi ng likod ng nagpepenitensya.

Ang pagtatatak ni Nano sa mga nagpepenitensya ay isang panata ring matatawag ngayong panahon ng semana santa.

“Panata ko na talaga ito. Dumaan din ako sa pagpepenitensya noon at natapos ko na ito. Ngayon naman ang pagtatatak ang ginagawa kong panata”, kwento ni Nano.

Umabot din sa mahgit kumulang 100 kataong nagpepenitensya ang kanyang natatakan ngayong semana santa. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

%d bloggers like this: