BALITA POLICE REPORT PROVINCIAL

Social media commentator sa Maguindanao binaril, patay

[via RHB/Photo from Mindanao Voices news blog]

(April 15, 2022) — Patay ang isang kilalang social media commentator matapos umano itong pagbabarilin ng hindi nakikilalang mga suspek sa isang bayan sa probinsya ng Maguindanao na bahagi ng BARMM (Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao).

Ayon sa report ng Mindanao Voices news blog, papalabas na umano sa kanyang bahay ang biktima na si “Jhanna Villegas” ng atakehin ito ng mga hindi kilalang mga suspek.

Nagtamo ng maraming sugat ang biktima na siyang dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Naganap ang pagoaslang sa biktima sa bayan ng Datu Anggal Midtimbang sa Maguindanao.

Ang nasabing biktima ay kilala sa mga komentaryo nito sa kanyang Facebook account.

Ayon sa report, patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya doon ang naturang pagpatay sa nasabing social media commentator. ###

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

%d bloggers like this: