NEWS AND TRENDS PULITIKA

Sen. Ping Lacson, nilinaw na si Mayor Isko Moreno ang nagsabing “WITHDRAW LENI”

Nilinaw ni Senator Ping Lacson na tanging si Mayor Isko Moreno lang ang nagsabing “Withdraw Leni.”

Ito ay nabanggit ni Moreno sa joint press conference nila nina Lacson, Sec. Norberto Gonzales at Sen. Manny Pacquiao na hindi nakadalo kahapon, Abril 17, 2022.

Sa ilang interbyu kay Sen. Ping Lacson kasama ang kanyang running mate na si Senator Tito Sotto, isa sa mga naitanong sa kanya ay ang kumpirmasyon kung si Moreno lamang ang may ideya ng ‘withdraw Leni.

“Sinabi naman niya ‘yun, siya lang,” diretsahang tugon ni Lacson.

Nabanggit din ni Lacson sa joint press con ang umano’y pagkumbinsi sa kanila umano ng kampo ng isang presidentiable na umatras na gayung dalawa lamang ang naglalaban talaga sa pinaka mataas na posisyon na kani-kanilang tinatakbuhan.

Ang naturang press con ay napagdesisyunan nilang gawin upang matigil na ang mga haka-hakang titigil na sila sa pangangampanya at aatras sa kandidatura. ###

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Sen. Ping Lacson, nilinaw na si Mayor Isko Moreno ang nagsabing “WITHDRAW LENI”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: