Paterno “Pat” Baloloy Jr., Itinanghal na KWF Makata ng Taon 2022!

Read Time:1 Minute, 48 Second

Itinanghal na KWF Makata ng Taon 2022 si Paterno “Pat” Baloloy Jr. pára sa kaniyang tulang “Hindi Parisukat Ang Hugis ng Gubat.”Makatatanggap siyá ng PHP30,000, tropeo, at medalya.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Nagwagi din si Mark Anthony Sy Angeles ng ikalawang gantimpala pára sa kaniyang “Buntot Kang Gumuguhit sa Lawas na Dalubtalain.” Makatatanggap siyá ng PHP20,000.00 at plake.

Hinirang naman si Keft Sina-On Sobredo sa ikatlong gantimpala pára sa kaniyang tulang “Mga Pira-piraso ng Dagat.” Makatatanggap siyá ng PHP15,000.00 at plake.

Si Paterno “Pat” Baloloy Jr., ay nanalo ng unang gatimpala pára sa koleksiyon niyang mga tulang pambatà na Halik ng Itik at Iba Pang Tulang Pambata sa kauna-unahang Gender Awards na itinanghal ng Philippine Normal University, University Center for Gender and Development.

Siyá rin ay awtor ng librong Agam-agam ng Langgam, akda hinggil sa mga tulang pambatà. Napasáma ang kaniyang maikling pananaliksik na Ang “Silip o Pasilip” ng Distrito Supot: Isang Maikling Pananaliksik sa Naka-ugaliang Pagdakila sa mga Bata at Nawaglit na Distrito sa Bayan ng Calauag,” sa Reading the Regions 2: A National Arts Month Celebration 2021 ng NCCA National Committee for Literary Arts (NCLA). Siyá rin ay naging 2018 writing fellow ng 18th IYAS National Writers’ Workshop ng De La Salle University, Manila at ng 11th Palihang Rogelio Sicat.

Nagtamo siyá ang unang gantimpala sa Palanca noong 2018 sa kaniyang koleksiyon ng mga tulang pambatà na may pamagat na “Paumanhin ng Kuting” at ikatlong gantimpala naman noong 2017 sa parehong kategorya. Isa rin siyáng writing fellow ng 14th Ateneo National Writers’ Workshop ng Ateneo de Manila University noong 2016. Nagtapos siyá ng kursong MFA in Creative Writing sa De La Salle University, Manila noong 2020. Sa kasalukuyan, siyá ay kumuha ng Indigenous Studies Program sa UP Baguio pára sa kaniyang PhD. Siyá rin ay guro sa Senior High School ng Calauag National High School sa Calauag, Quezon.

Ang Talaang Ginto: Makata ng Taón ay isang patimpalak sa pagsúlat ng tulâ na itinaguyod ng KWF na naglalayong pasiglahín at pataasín ang urì ng panulaang Filipino sa pamamagitan ng pagkilála sa mga batikan at baguhang talino at tinig sa sining ng tulâ. ###

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post DTI: FedEx PH expands into a transshipment hub 
Next post PH, US reaffirm strategic economic partnership 

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: