Community News Viral Now

89 Anyos na Lola sa Dasmariñas Cavite, Kayod Kalabaw sa Pagtitinda ng Maruya

[Ni RBM]

Dala nang awa at pag-aalala ng isang concern netizen na si Babylyn Delo Teodoro na nakakita sa isang 89 anyos na lola na si nanay Leliosa Dumontad ng Barangay Paliparan 3, Dasmariñas City, Cavite. Ibinahagi nito ang mga larawan ni Lola Leliosa sa official Facebook group sa kanilang barangay na agad namang nag-trending dahil sa tila nakakaawang kalagayan ng matanda habang naglalako ng panindang maruya.

Ayon na rin sa ipinoste ni Babylyn, nais ni Lola Leliosa na makatulong umano sa kanyang mga apo para sa pambili ng gatas at gastusin ng kanilang mag-anak sa paraan na kaya naman daw niyang gawin.

Sakabila ng katandaan ni Lola Leliosa ay hindi alintana nito ang maaaring mangyari sa kanya sa lansangan sa paglalako-lako ng kanyang mga paninda kahit na tirik pa ang araw.

Dahil dito, agad namang umaksyon ang nasabing barangay upang tulungan ang matanda at inalam ang tunay na kalagayan ni Lola sa pangunguna ni Sir Arnel Alcorroque at ng kanilang hanay. At dito na rin napag-alaman na si Lola ay hindi naman talaga pinababayaan ng kanyang pamilya. Ito ay kagustuhan ng matanda na magbanat-buto para maghanapbuhay.

Aniya ng mag-anak na hirap silang pigilan ang matanda sa paglalako dahil sa pakiramdam ni Lola Leliosa na tila nagkakasakit lamang siya kapag namamalagi sa loob ng kanilang bahay. Patunay lamang si Lola Leliosa na sakabila ng katandaan ay hindi kailanman hihinto sa pagkayod para makatulong sa gastusin ng pamilya kahit na ang kapalit nito ay ang kanyang kalusugan at buhay na sana ay nagre-relax na lamang sa loob ng kanilang tahanan. Mabuhay ka Lola Leliosa! #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

%d bloggers like this: