Read Time:3 Minute, 26 Second

Mula sa masa, para sa masa! 

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Sa nalalapit na pagbubukas ng panibagong yugto sa buhay ng bawat Pilipino kaakibat ng paparating na Pambansang Halalan, ang Wanwan Productions at ang lahat ng bumubuo rito ay nakiiisa sa tunguhin ng nakararami: ang maihalal ang mga pinunong higit na karapat-dapat. Kaugnay nito ay isang panibagong proyekto na naglalayong magkaloob ng aral patungkol sa matalinong paggamit ng boses ng masa– ang pagboto. 

Ang Project EL: Electorates of Literacy, ay isang programang naglalaman ng limang magkakaibang yugto ng mga kuwento ng karanasan at hiling ng mga mamamayan mula sa iba’t ibang sektor at antas ng lipunan; miyembro ng manggagawang pangkalusugan, simbahan, mamamayan sa gitnang uri, manggagawang nasa laylayan, at midya at mamamahayag. 

Nang tanungin ang saloobin ni Bea Sevilla, Bise Presidente ng Wanwan Productions, ukol sa bagong proyektong ito, sinabi niyang, “Mahusay, pinag-isipan, at makabayan. Lahat naman ng mga kaganapan at proyekto ay pinag-iisipan pero ‘yong ganitong klase, hindi lang basta basta. Yung pagmamalasakit sa kapwa Pilipino, nandito eh ramdam mo, makikita mo kasi hindi naman ito para sa isa lang kundi para sa lahat. Kahit ano pang kulay ang pinaniniwalaan mo, kayumanggi pa rin ang kulay ng Pilipino.” 

Bagama’t ang mga naunang produksyong pagtatanghal na matagumpay na pinamunuan ng nasabing kapisanan ay kalimitang puno ng kulay at aliwan, kabilang pa rin ang pagtalakay sa mga napapanahong isyung panlipunan ang kanilang patuloy na pinagpupunyagi. “Sa productions naman, hindi lang nasa isang anggulo dapat nakatingin. Aside sa entertainment side, dapat may education din para balanse. Hindi rin naman siya gaanong ka-laking adjustment para sa committees dahil may mga aral naman talaga sa bawat pangyayari at proyekto na inilalabas ng Wanwan Productions. Higit lang na mas importante ito dahil nakasalalay dito ang kritikal na pag iisip ng mga tao sa pagboto ngayong darating na eleksyon. Hindi na ito basta-basta para sa mga mag-aaral pero para sa lahat na may kinalaman sa mga mangyayari sa kinabukasan ng mga Pilipino. Sabi nga diba, “kapag namulat ka na sa katotohanan, kasalanan na ang pumikit.” Bakit tayo pipikit, bakit tayo matatakot kung nasa panig tayo ng katotohanan? Dahil ito ay para sa Pilipino, para sa Pilipinas.” dagdag pa ni Sevilla.

Sa init ng diskusyon ukol sa politika sa panahon ngayon, ang mga mapanlinlang at balighong impormasyon ang ating pangunahing kalaban. Nililihis tayo sa tunay na kulay ng reyalidad at pilit na tinatakpan ang mga bahid ng katiwalian at kasinungalingan sa pamamagitan ng pagbabalatkayo bilang bagong mukha ng pagbabago at pag-asa. Bilang mga mag-aaral ng Batsilyer ng Arte sa Komunikasyong Pananaliksik, nilalayon ng Wanwan Poductions na mabigyan ng ilaw ang ilan sa mga usapin na ating magiging gabay sa matalinong pagpili ng pinuno. Binubuo ito ng mga sumusunod:

Boses ng Makabagong Bayani

Susuungin ang matataas at mabababang bahagi ng buhay sa mata ng isang health care worker sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon at sa kasagsagan ng pandemyang COVID-19.

Paninindigan ng Simbahan

Tutunghayan at bibigyang linaw ang pananaw ng simbahan sa ilang politikal na usapin bilang isa sa mga lubos na tinitingala at nirerespeto ng sambayanan.

Sa Gitna ng Tatsulok

Ilalantad ang itim, puti, at kulay-abong bahagi ng buhay bilang miyembro ng panggitnang uri sa ilalim ng kasalukuyang gobyerno at sa kalagitnaan ng pandemya.

Boses ng Laylayan

Kahirapan ang pinakamatindi nilang kalaban kaya’t ngayo’y magiging kasangga upang mapakinggan.

Mula sa Lente ng Masa

Bilang mga katalista ng katotohanan, mahalaga ang gampanin ng midya sa paglalahad ng kuwento ng mga Pilipino na nasa likod ng mga lente. 

Ang Project EL: Electorates of Literacy ay inihahandog ng mga sumusunod: Braided Personality, Adonia & Co., SILAB Pyrography, at Hbeadsthreads.ph, at ang opisyal nitong kasosyo sa midya [INSERT MEDIA PARTNER]. 

Ang Wanwan Productions ay isang organisasyon na binubuo ng mga mag-aaral mula sa Department of Communication Research sa ilalim ng Polytechnic University of the Philippines College of Communication sa Santa Mesa, Manila.

Maaaring tunghayan ang pangyayaring ito sa opisyal na Facebook page ng Wanwan Productions sa darating na ika-2 ng Mayo, Lunes, sa oras na ala-sais (6pm) ng gabi.

#ProjectEL2022

#Halalan2022

#EL

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post 5 stakeholders to join SEC Davao in CAMPAIGN Network launch today
Next post RCEP to strengthen economic integration in the region

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: