fbpx
Friday, April 19, 2024
130 katao na biktima ng “food poisoning” sa South Cotabato ligtas na, ayon sa doktor ng munisipyo

130 katao na biktima ng “food poisoning” sa South Cotabato ligtas na, ayon sa doktor ng munisipyo

0 0
Read Time:54 Second

SOUTH COTABATO PROVINCE (by Ramil Bajo) — Ligtas at wala ng dapat ipag-alala sa kalagayan ng 130 katao na umanoy nalason sa kinain nilang “pancit” at “bihon” sa dinalohan nilang “mass gathering” sa isang barangay sa Lake Sebu, South Cotabato.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Ito ay ayon sa kumpirmasyon na ibinigay ni LGU-Lake Sebu health officer Dr. Jocelyn Bayquin sa ilang mga media outlet sa nakabase sa Koronadal City at General Santos City.

Ang nasabing 130 katao ay kinonsidera na mga biktima ng “food poisoning” dahil nakaramdam sila ng mga sintomas ng paglasom dahil sa pagkain, tulad ng pagsusuka at pananakit ng tiyan.

Ayon sa report na natanggap ng Diyaryo Milenyo Digital News, dumalo noong araw ng linggo ang nasabing mga biktima ng lason sa isang okasyon sa isang sitio sa ng naturang bayan.

Pagkatapos nilang kumain doon na sila nakaramdam umano ng pananakit ng tiyan at nakaranas ng pagsusuka.

Pinayohan naman ni Dr. Bayquin ang mga residente na maging maingat sa paghahanda ng mga pagkain lalo na yung mga pagkain na madaling masira or mapanis. (Photo from Bombo Radyo Koronadal FB)

About Post Author

Diyaryo Milenyo Digital News

DIYARYO MILENYO is an autonomous and non-profit online media organization that reports local community events and current affairs of public interest, with both national and global relevance. Our team consists of volunteer journalists and community writers from diverse locations across the Philippines. Our primary objective is to report news and events as they unfold while adhering to journalism's highest standards and ethics. We maintain a strict stance against publishing content that attacks individuals and prioritize highlighting positive news.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %

BALITA Provincial

You May Have Missed

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading