Editoryal

Pilipino, Pumili ka ng Tama!

[Ni Rick Luna Daligdig]

ARTICLE V

Article V. SUFFRAGE

Section 1. Suffrage may be exercised by all citizens of the Philippines not otherwise disqualified by law, who are at least eighteen years of age, and who shall have resided in the Philippines for at least one year, and in the place wherein they propose to vote, for at least six months immediately preceding the election. No literacy, property, or other substantive requirement shall be imposed on the exercise of suffrage.

Gaya nga ng sikat na linya na hango sa popular na teleserye ngayon, Masasabi natin na “papunta na tayo sa exciting part” ng ating electoral process. Ngayong Lunes, Mayo 9, 2022 ay muli natin gagamitin ang isa sa mga sagradong karapatan na ibinigay sa atin ng ating Constitution, ang Karapatang bumoto.

Dito nasa ating mga kamay ang kahihinatnan ng mga kumakandidato mula sa Pangulo hanggang sa lokal na posisyon. Halos tatlong buwan tayong sinuyo at niligawan ng mga tumatakbo sa nasyonal na posisyon at isang buwan sa mga lokal na pwesto. Sari–saring isyu ang lumabas, kanya kanyang batuhan ng akusasyon, bardagulan, asaran ang naganap. Ultimo ang mga supporters ng mga kumakandidato ay hindi nagpaawat at nagpatalo para ikampanya ang kanilang mga manok. Nasasalamin ito mismo sa social media kung saan naging mainit ang sagupaan ng mga supporters, humantong pa sa pagkasira ng pagkakaibigan ang ilan at lamat sa samahan ng ilang pamilya. Pero ika nga nila ang pikon…talo. Pag-inggit…pikit.

Syempre hindi nagpatalo ang kaliwa’t kanang surveys, SWS, Pulse Asia, Publicus Asia, MB Tangere, Laylo atbp. Na lalong nagpainit sa mga kaganapan sa kampanya. Ang mga rally sa mga ibat-ibang lugar, probinsya with crowd estimate pa! May mga reklamo ng vote buying, hakot- tao, at kung anu-ano pa. Samahan mo pa ng endorsement ng mga celebrtities, social media influencers, El Shaddai, INC at Catholic Church. Lahat ng ito ay mga sangkap na nagpakulay at nagpatingkad sa kampanya.

Sa kabila nang mga ito, huwag natin kalimutan kung rason bakit tayo boboto? Ang ating isang boto ay magiging susi kung sa ikakaunlad o ikakasira ng ating bansa. Sila ang mga leader na magrerepresenta sa atin sa loob ng darating na mga taon. Nasa kanilang kapalaran ang desisyon kung paano patatakbuhin ang buong pamahaalan. Kaya huwag natin gawing laro-laro ito. Iboto ang sa tingin niyo na makatutulong sa bayan, may magagawa para sa bansa at maipagmamalaki natin lider dahil sa angkin husay, talino, tapang at malasakit para sa Pilipinas. Kaya lumabas, lumahok at makibahagi sa mahalagang bahagi ng ating pagkapilipino at higit sa lahat HUWAG IPAGBILI ANG ISANG BOTO MO!

Sa Mayo 9, 2022 ito na pagkakataon natin kaya Pilipino, Pumili ka ng Tama!

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

%d bloggers like this: