ZAMBOANGA CITY (by Ramil Bajo/May 16, 2022) — Sa isang barangay sa siyudad na ito, hindi problema ng mahihirap na mga pamilya na namatayan ang kabaong.
Bakit? Dahil ang kanilang barangay kapitan doon ay namimigay ng libre na kabaong sa mga namatayan nitong ka-barangay.
Hinangaan naman ng Mindanao Voices, isang sikat na news blog na nag-ooperate sa Mindanao, ang mabuting uri ng pagsisilbi sa bayan ng nasabing kapitan na si Kapitan Jerry “Totong” Perez ng Barangay Putik sa naturang siyudad.
Kaya sa report na pinoste ng Mindanao Voices, inilarawan nito si Kapitan Perez na Isang “kahanga-hanga” na uri ng lingkod-bayan na dapat tularan or gawing ehemplo.
Ayon pa sa report ng Mindanao Voices, “pinamimigay ng bukal sa kanyang kalooban sa mga mahihirap na mga kababayang namatayan.”
Hindi humihingi kahit piso si Kapitan Perez sa ipinamimigay nitong kabaong na siya namang dahilan kung bakit kinilala ito ng kanyang mga ka-barangay na isang mabuting lider ng bayan.
Ayon pa rin sa report ng Mindanao Voices, hindi lamang sa kanyang barangay namimigay ng libreng kabaong si Kapitan Perez kundi maging ang taga ibang barangay ng siyudad ay nakikinabang din sa kanyang magandang proyekto na libreng kabaong.
(Ang larawan ay hango sa Facebook, ayon pa sa Mindanao Voices)
0 comments on “SA ZAMBOANGA CITY: Kapitan ng isang barangay doon namimigay ng libreng kabaong”