In Focus NATIONAL Rick Daligdig

RESOUNDING VICTORY!

[Ni Rick Daligdig]

Mga Kababayan, humantong na nga po tayo sa isa sa mga pinaka EXCITING PART ng ating halalan. Nitong Miyerkules, Mayo 25, 2022 ganap nang pinagtibay ng Senado at Kamara ang pagkapanalo nila Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sara Duterte bilang nanalong Pangulo at Pangalawang Pangulo sa naganap na halalan noong Mayo 9, 2022. Si President-Elect Maros Jr. ay nakakuha ng mahigit 31 milyong boto samantalang ang Alkakde ng Davao City na si VP Elect Duterte-Carpio ay humakot ng halos 32 milyong boto. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may naihalal na Pangulo at Pangalawang Pangulo na nakuha ang mayorya ng mga botante. Kaya naman hindi maikakaila na nakuha nila ang tiwala at kumpyansa ng mamamayang Pilipino.

Matatandaan na plataporma ng “Uniteam” ni President-elect Marcos ay nakaangkla sa Pagkakaisa. Bitbit niya ang plataporma na ito na siyang magiging susi para makausad at matamo ang mga hangarin at katagumpayan ng mga programa sa pamahalaan. Narito ang ilan sa mga magiging polisiya o programa ng susunod na Pangulo ayon na rin sa mga naging pahayag at interviews nya.

*West Phil. Sea issues at Foreign Policy – Nais niyang maiwasan ang isang giyera laban sa kalapit bansa tulad ng Tsina kaya lahat ng uri ng diplomatic remedies ay susubukan para magkaroon ng pagkakaunaawan na hindi maisasantabi ang interes ng bansa. Wika nga niya eh “No square inch of our territory will be given away”. Ang pagsulong ng interes ng Pilipinas ang laging mauuna sa kanyang foreign policy mapa Amerika o Tsina man ang makakaharap nya.

*Edukasyon – pagbibigay atensyon sa mga pangangailangan ng mga guro, pagpapalawig ng mga government scholarships para matugunan ang pangangailangan sa mga dalubhasa sa bansa. Pagreview sa educational system ng bansa at pagsasayos ng implementasyon ng Free Tertiary Education.

*Kalusugan at Pandemya – Pagmomodernize at revitalize ng healthcare system ng bansa, pagrerepaso sa PhilHealth, pagtatayo ng mga specialty hospitals sa bawat rehiyon, pagtataas ng sahod at pagbibigay benepisyo ng mga health workers. Pagkakaroon ng isang Infectious disease bureau, pagkakaroon ng sariling steady na supply ng vaccines para sa Covid at mga darating pa na sakit.

*Ekonomiya – pagtutuon ng atensyon sa mga SME’s , pagbibigay ng tax holiday or tax breaks sa mga lubos na tinamaan ng pandemya. Pagpapatuloy ng Build Build Build ng Duterte Admin, pagpapalago ng turismo sa bansa, pagsasaayos ng digital infrastructure,pag enganyo sa mga mamumuhunan na pumunta sa bansa, pagpapababa ng kuryente.

*Agrikultura – pagtulong sa mga magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay ng mg subsidiya,pagpapalawak ng farm to market roads, paggamit ng mga bagong teknolihiya para sa pagpaparami ng ani,pagrepaso sa Rice Tarification Law, pag awat sa importasyon , pagiging self-sufficient ng bansa sa pag aani ng bigas, pagbaba ng mga presyo ng bigas sa mga pamilihan.

*Kurapsyon – paglalagay ng mga taong mapagkakatiwalaan sa mga ahensya ng pamahalaan, pagpapaigting ng pagpapatupad ng mga kasalukuyang batas laban sa kurapsyon at katiwalian.

*Climate Change – pakikiisa sa mga global efforts para matagunan ang global warming, paghihikayat na gumamit ng mga renewable energy sources,pangangalaga sa kalikasan at wastong pagpapatupad ng waste management.

Ilan lang naman ito sa malalaking isyu at problema na kahaharapin ng susunod na Pangulo. Kaya naman patuloy ang kanyang panawagan ng pagkakaisa pati na rin sa mga naging katunggali niya at mga supporters nito.

Ito na ang panahon upang harapin nating mga Pilipino ang tunay na kalaban natin. Bigyan natin ng pagkakataon ang susunod na mga maninilbihan sa ating bansa upang maging maayos ang pagpapalakad nila sa burukrasya. Purihin ang mga magagandang magagawa at punahin ang mga bagay na dapat na punahin. Ang natapos na Halalan ay isang testimonya na buhay na buhay ang diwa ng demokrasya sa Pilipinas. Panghuli, sama-sama tayong humarap at umusad kasama ang mga bagong lider ng bansa para sa isang UMAGANG KAY GANDA!

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

1 comment on “RESOUNDING VICTORY!

  1. very well said..Bff Superman..Rick Jason Daligdig😅💎🙏❤

    Like

Comments are closed.

%d bloggers like this: