ESPESYAL PROVINCIAL

BASKETBALL KEY PLAYER NA PUTOL ANG KANANG BRASO, WISH NA MAGKAROON NG BAGONG SAPATOS

[Ni Sid Samaniego]

ROSARIO, CAVITE: Putol man ang kanang braso ni Andrei Liberato, 19 taong gulang, bunso sa 3 magkakapatid, kasalukuyang naninirahan ngayon sa Isla Bonita, Brgy. Silangan 1 ay hindi naman ito naging hadlang upang ipagpatuloy niya ang hilig sa larong basketbol.

Si Andrei ay itinuturing na key player ng kanyang team na nagkampeon nito lamang na katatapos na liga sa kanilang barangay.

Sa bawat paglalaro niya ng basketbol, kailangang manghiram muna siya ng sapatos sa kanyang mga kaibigan. Dahil ang totoo, wala siyang sariling sapatos na pwedeng gamitin sa paglalaro ng basketbol.

Taong 2012 ng maaksidente si Andrei nang mabagsakan ng malaking bato ang kanyang braso na naging sanhi ng pagkakaputol nito.

Salat sa hirap ang pamumuhay ng pamilya ni Andrei. Subalit buong-buo ang kanyang pangarap na maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya. Determinado na hindi hadlang ang kanyang kapansanan para maabot ang kanyang pangarap.

Sa ngayon, wish niya na sana ay magkaroon siya ng sariling sapatos na magagamit sa paglalaro ng basketbol. ###

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “BASKETBALL KEY PLAYER NA PUTOL ANG KANANG BRASO, WISH NA MAGKAROON NG BAGONG SAPATOS

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: