Community News ESPESYAL NEWS AND TRENDS Sid Samaniego

BASKETBALL KEY PLAYER NA PUTOL ANG BRASO, DINAGSA NG TULONG MATAPOS NA MAILATHALA SA DIYARYO MILENYO

[Ni Sid Samaniego]

ROSARIO, CAVITE: Dumagsa ang mga tulong na nagpapaabot ngayon kay Andrei Liberato, matapos mailathala sa pahayagang DIYARYO MILENYO at mabasa ang kanyang kahilingan na magkaroon ng sariling sapatos na pangbasketbol.

Si Liberato ay putol ang kanang braso dulot ng isang malagim na aksidente. Sa kabila ng kanyang kapansanan ay hindi ito naging hadlang upang ituloy niya ang kanyang pangarap na makapaglaro ng basketbol.

Umani ng iba’t ibang reaksyon ng paghanga at pagkabilib ang mga tao sa determinasyong ipinapakita ni Liberato. Sa kabila ng kanyang kapansanan ay tila namumuhay pa rin syang normal at nakakapaglaro pa ng basketbol.

Labis ang pasasalamat ni Liberato sa mga taong ginamit na instrumento upang matupad ang kanyang pangarap.

“Una sa Poong Maykapal, maraming salamat po dahil binigyan nya ako ng panibagong buhay at hindi niya ako pinabayaan. Pangalawa sa pamilya ko na palaging nasa tabi ko para umalalay sa akin. At higit sa lahat sa mga taong nagbukas ng pinto upang matupad ko ang aking kahilingan, maraming-maraming salamat po sa inyong lahat”, madamdaming kwento ni Liberato.

Ang larong baskebol ay isang pisikalang laro na nangangailangan ng matinding depensa at opensa bago mapagwagian ang isang laban.

Sunud-sunod naman ang mga nagbibigay kay Liberato ng bagong sapatos, medyas, jersey, at pinansyal matapos na mailathala.

Samantala, ang Brgy. Ginebra player na si LA Tenorio ng PBA ang paborito niyang Basketball Player na kung mabibigyan diumano ng pagkakataon ay gusto niyang makalaro at makadaumpalad. ###

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

%d bloggers like this: